Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

AJ rumesbak sa nagsasabing ‘sinungaling’ siya: Tama na ang pagmamagaling… wala kayong alam

INAKUSAHANG “sinungaling” ng isang netizen ang sexy actress na si AJ Raval sa mga sinabi nito sa “Extreme Girlfriend challenge” collab nila ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Sa naturang vlog kasi kung saan nagpanggap ang dalawa na mag-dyowa ay sinabi niyang first time niyang masorpresa ng mga bulaklak, balloons, at teddy bear nang bigyan siya ni Donna ng surprise dahil birthday niya.

Ngunit ayon sa netizen, hindi naman daw totoo ang sinabi ng sexy actress.

“AJ, I think what hurts the most was when you lied in Donna’s vlog that no one surprised you when in fact Axel did. Alam mo yung impact ng sakit nun kay Donna? EVERYONE who knows or met Donna can see how special she is. Did you ever realize how many people actually have a crush on her? I don’t think you did. Did you just use her to boost your YouTube? You could’ve said no sa challenge.

She went all out sayo and that was genuine and [with] pure intentions. After you did the vlog with her, I adored you. I saw yung side mo na hindi puro sexy, I saw a sweet, mahiyain, sophisticated AJ. But now, I think it was only for a content. Well, you chose the wrong person to do it with cause Donna is a well-known and respected influencer. Napakabait, independent, creative, funny, humble, maganda, maalaga, genuine, and RESPONSIBLE,” matapang na saad ng netizen.

Ni-repost naman ito ng sexy actress sa kaniyang IG story at sinagot ang akusasyon sa kaniya ng netizen.

“I think I have to answer this, actually ‘yung photo na nakita niyo, ako ang nag-shopping don and nag arrange nag pa pic lang ako kasi valentines day yon gusto ko lang mag-post na sinurprise din ako. Tama na ang pagmamagaling ha? Wala kayong alam,” diretsahang sagot ni AJ.

Marami tuloy ang nagtaka kung ano ang photo ang sinasabi ni AJ at agad na naikunekta ito sa IG story ng ex-dyowa nitong si Axel Torres.

Makikita kasi sa IG nito ang mga larawan ng babae na tila sinu-surprise ng flowers, mga sapatos, mga damit, at mayroon ring cake.

May background music rin itong “Traitor” ni Olivia Rodrigo.

Dito rin nanggaling ang caption niya sa latest post niya sa IG na iniintrigang patama kina AJ at Aljur na recently ay lumantad na nasa “getting to know” stage.

The post AJ rumesbak sa nagsasabing ‘sinungaling’ siya: Tama na ang pagmamagaling… wala kayong alam appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments