Raffy Tulfo at Isko Moreno
SITSIT ng aming source, sa Set. 28 daw iaanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang kandidatura niya bilang pangulo ng Pilipinas pero hanggang ngayon ay wala pang ingay kung sino ang magiging bise presidente niya.
Si Sen. Manny Pacquiao daw dapat ang ka-tandem ni Yorme Isko, pero ayaw ng una ng bise, gusto talaga niya ang maging presidente kaya hindi natuloy ang pagsasama nilang dalawa para labanan ang matinding korupsyon ng bansa.
At heto nga, inunahan pa ni Pacman si Yorme na ianunsyo kung anong posisyon ang tatakbuhin niya sa 2022 sa katatapos na PDP Laban National Assembly. Si Sen. Coco Pimentel ang ka-tandem niya na kasama niyang tumayo sa entablado.
Kanya-kanyang opinyon na ang nababasa namin mula sa netizens at mga kakilala sa loob at labas ng showbiz tungkol sa mga nabanggit na personalidad.
Anyway, napag-usapan nina Nay Cristy Fermin at Rommel Chika sa programang “Cristy Ferminute” Radyo Singko 92.3 News FM nitong Biyernes bago pa mag-anunsyo si Pacman sa pagkapresidente na si Raffy Tulfo ang bise presidente niya at may lumabas pa raw na balitang nagkausap na sila.
Pero hindi ito natuloy dahil nga si Coco ang kasama ni Manny na tumayo sa harap ng mga kasamahan.
Hmmm, baka naman sina Yorme Isko at Idol Raffy na ang magka-tandem? Pareho rin kasing mainit ang mga mata nila sa mga nangungurakot sa gobyerno.
Base pa sa kuwento ni Nay Cristy, may nagsabi sa kanya na nagpaalam na sa mga bossing ng TV5 si Raffy sa mga programa niya sa Singko na ibig sabihin ay tuloy na nga ang kandidatura nito pero kung anong posisyon ay wala pang nakakaalam.
Opinyon lang din namin, puwede nga ang tambalang Isko at Raffy, ano sa palagay n’yo mga ka-BANDERA?
The post Type n’yo…tambalang Yorme-Tulfo kasado na sa Eleksyon 2022? appeared first on Bandera.
0 Comments