Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa Mindoro; tuloy na ang pagtakbo sa 2022?

Ejay Falcon

MUKHANG tuloy na tuloy na nga ang pagsabak ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon sa larangan ng politika.

Ito’y base na rin sa mga ipino-post ng binata sa kanyang social media accounts, kabilang na nga riyan ang ginagawa niyang pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa kanilang probinsya sa Oriental Mindoro. 

Bukod dito, panay na rin ang pagbabahagi ng kanyang supporters at mga kababayan sa Mindoro ng mga kaganapan sa kanilang lugar kung saan makikita nga si Ejay na nanghihingi ng suporta sa kanyang mga kababayan.

Sa bagong post ng aktor sa FB, muli siyang nagparamdam sa publiko sa pamamagitan ng mga throwback photos ng kanyang kabataan, kabilang na ang mga trabahong pinasok niya noon para makatulong sa pamilya.

Aniya sa caption, “Mapagpalang Araw po Mga Kakampi-Kababayan. Share ko lang po.                                                         
“15 years ago, isa akong ordinaryong binata sa Mindoro na rumaraket bilang kargador para makatulong sa pamilya at pambaon sa School, Sako sako ng kopra ang binubuhat ko kasama ang aking mga kaibigan bilang ito ang isa sa pangunahing hanapbuhay samin sa Bacawan Pola Oriental Mindoro. 

“Nakakatuwa pag nakikita ko ang mga pictures ko noon dahil hindi lang pisikal na anyo ang nagbago sakin kundi pati buhay at pagkatao ko.

“Isa itong paalala kung gaano ako kablessed sa buhay dahil sobra sobra pa sa pinangarap ko ang pinagkaloob sa akin, Kaya kahit papano sa abot ng aking makakaya ay pinagsisikapan ko na tumulong mabless din ang ibang tao sa aking sariling pamamaraan. 

“Sana naiinspire ko ang mga kapwa ko Mindoreño lalo na ang mga kabataan na patuloy na magpursige para umasenso sila sa buhay. Huwag matakot Mangarap, Dahil sa PANGARAP NAG UUMPISA ANG TAGUMPAY,” mensahe pa ng aktor gamit ang mga hashtag, #KayaMoYan at #ProudMindoreño.

Kamakailan, tila nagpahiwatig na nga ang aktor sa pagtakbo niya sa darating na eleksyon.

Aniya sa isang video, “Iyong sigaw at excitement ninyo, sana po madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon, ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po suportahan niyo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa, at nagpapakilala po sa inyo.” 

Sa isang bahagi ng video, nagpakilala pa siya sa kanyang mga kababayan, “Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi niyo ako tingnan bilang artista. Tingnan niyo ho ako bilang kababayan niyong Mindoreño na gustong maglingkod sa inyo.” 

Nagsimula ang showbiz career ni Ejay Falcon noong 2008 nang tanghalin siyang big winner sa “Pinoy Big Brother Teen Edition” season 2. Sa ngayon wala pang ina-announce ang binata kung anong posisyon ang tatakbuhan niya next year. 

The post Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa Mindoro; tuloy na ang pagtakbo sa 2022? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments