Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Hugot ni Bea: Hindi mo pipiliting umiyak, umiiyak ka kasi nasasaktan ka…

IKINUMPARA ng bagong Kapuso star na si Bea Alonzo ang proseso ng pagtanggap niya sa isang acting project sa larangan ng pag-ibig.

Napag-usapan ang tungkol dito nang mag-guest ang dalaga sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” last Sunday kung saan natanong nga siya tungkol sa ilang detalye ng kanyang showbiz career.

Kasunod nga nito ang paglalahad ni Bea kung paano siya naka-move on sa pinagdaanang heartbreak at sinu-sino ang nakatulong sa kanya sa bahaging ito ng kanyang buhay.

Tanong sa aktres, paano ba siya  nagdedesisyon kung anong proyekto ang tatanggapin at kung ano ang hindi?

“Lagi kong sinasabi para siyang love. Kapag nabasa ko ‘yung script or kapag pinitch sa akin, kapag nakaramdan ako ng electricity!” tugon ng dalaga.

Dito, naibahagi rin niya kung bakit ang galing-galing niyang umiyak at nagagawa niyang makatotohanan ang bawat madadramang eksena sa mga serye at pelikula niya.

Ani Bea, “‘Yung pag-iyak, produkto lang siya ng sakit na nararamdaman mo. Hindi mo pipiliting umiyak. Umiiyak ka kasi nasasaktan ka.

“So, dapat na marating mo ‘yung place na nasasaktan ka,” chika pa ng aktres.

Biniro naman siya ni Jessica na baka raw expert na siya sa pagtanggap ng script na ikinokonek nga niya sa usaping pag-ibig. Tawa naman nang tawag umiling si Bea sabay sabing ilang beses na rin siyang nagkamali sa love at hindi sa script.

Aniya pa, naka-move on siya sa sakit na dulot ng pagkabigo sa pag-ibig sa pamamagitan ng, “I surrounded myself with people I trust, people who had been there for me for so many years, especially my family.

“Ang pamilya ko talaga ang parang pumulot ng pira-pirasong nahulog,” sabi pa ng bagong Kapuso actress.

Samantala, tungkol naman sa pagpapatawad, diretsahang sinabi ni Bea na hindi pa niya kayang gawin ito sa ngayon. Wala man siyang binanggit na pangalan, siguradong ang ex niyang si Gerald Anderson ang tinutukoy niya.

“Sometimes, iniisip ko mayroon bang mali sa akin na hindi ko kaya pang magpatawad? Bakit ganito? Parang naiinis pa rin ako? Pero sabi nga ni mama, kaniya-kaniyang proseso siya.

“You don’t have to beat yourself up for not being able to forgive kasi proseso mo ‘yan, e.

“Ang importante you’re focusing on yourself, and that ngayon alam ko na I am deserving of love, I deserve to be loved and I am enough,” sey pa ni Bea.

At tungkol naman sa diumano’y relasyon nila ng aktor na si Dominique Roque, ang tanging nasambit lamang ni Bea ay, “Happy naman ako.”

Kahapon, napabalitang magkasamang nagbabakasyon ngayon sa Amerika sina Bea at Dominic base na rin sa ilang litratong ipinost sa mga fanpage ng aktres.

The post Hugot ni Bea: Hindi mo pipiliting umiyak, umiiyak ka kasi nasasaktan ka… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments