Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ricky Lee apektado sa mga pilit bumabago ng kasaysayan: Para akong binubura

MAINIT na usapin ngayon ang Martial Law matapos ang naging panayam ng actress-vlogger na si Toni Gonzaga sa anak ng namayapang diktador na si Bongbong Marcos.

Bukod rito, nalalapit na rin ang anibersaryo ng pagdeklara ng Martial Law na ginanap noong Setyembre 21, 1972.

Isa ang award-winning writer na si Ricky Lee sa mga buhay na patunay ng sandamakmak na insidente ng paglabag ng karapatang pantao noong ipinatupad ang batas militar.

Ibinahagi niya sa kaniyang panayam kay Howie Severino, kasalukuyan siyang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas nang mangyari ang Martial Law.

Kuwento niya, kinumpiska ng administrator ng Narra dormitory ang kaniyang mga libro.

“I was an activist already at that time, joining rallies and demos and so on. So, I dropped out of school. I never finished schooling because of martial law. I got involved full time already,” umpisa nito.

Dagdag pa niya, noong ni-raid ang tinitirhan niya ay may mga baril ang kasama niya pero siya ay wala sapgkat hindi siya marunong humawak ng baril kaya paano siya magkakaroon ng ganon?

Ngunit kahit na wala siyang armas ay nakahanap pa rin ng rason ang mga nang-raid sa kanila para i-detain siya.

“They found reason which is hindi naman legitimate na reason kasi ‘pag hinuli ka noon, ang tawag sa’yo, detainee hindi prisoner.

“Wala naman talagang charges. Hindi mo alam kung bakit. Dini-detain ka lang nila para di ka makakilos. Hindi ka maging aktibista. So, dini-detain kayo.

“Walang hearing, walang charges, at hindi mo alam kung kailan kayo makakalabas, kasi detainee kayo,” pagsasalaysay nito.

Ayon pa sa kanya, habang naka-detain siya at ang mga kasama niya sa Fort Bonifacio ay napanood nila ang interview ng dating pangulong si Ferdinand Marcos na nagsasabi wala raw political prisoners sa bansa.

Nagkatinginan sila ng mga kasama at napatanong kung ano ang tawag sa kanila.

Aminado ang batikang manunulat na nasasaktan siya at lubos siyang apektado sa tuwing nakakabasa o nakakakita ng mga inpormasyon na pilit bumabago sa tunay na nangyari sa kasaysayan.

“Unang-una, I feel bad kapag nakikita ko ‘yun kasi feeling ko, para akong binubura. Parang binubura ako.

“Maski papaano, I think may na-contribute ako sa panahon na nangyayari sa atin yun, so parang nabubura lahat yun. So siyempre, I feel totally wiped out pag may nababasa akong ganun. So it hurts,” saad nito.

Pero hindi rin daw masisisi ni Ricky ang mga taong nabubulag sa katotohanan dahil may iba talaga na pilit humaharang para makita ng tao ang mga totoong pangyayari ngunit umaasa siya na sana ay makita ng mga kababayan natin ang katotohanan.

“Ang daming mga puwersa sa palibot na di kasalanan ng mga hindi nakakaunawa at nakakakita. So I am not blaming them. Pero sana makita nila. Kasi totoo yung nangyari.

“Ang daming mga ebidensiya at ang daming mga existing na mga documents, mga tao sa palibot, na ang daling kausapin para malaman mo yung totoong nangyari.

Giit naman ng manunulat, mas dapat sisihin kung sinuman ang pasimuno sa patuloy na pagkakalat ng kasinungalingan at mga maling impormasyon.

Aniya, “We shouldn’t blame people for being blind. It’s not the blind people that we should blame. It’s the people who blind them that we should blame.”

The post Ricky Lee apektado sa mga pilit bumabago ng kasaysayan: Para akong binubura appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments