Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Regine Angeles nagtatrabaho pa rin para makatulong kay mister: Ayokong uminit ulo n’ya at ma-stress sa bayarin

Regine Angeles at Van Victor Leaño

WALANG issue sa aktres na si Regine Angeles kung kailangan niya ring magtrabaho at tulungan ang kanyang asawa para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Pahayag ni Regine, kung ang ibang pamilya raw ay ang tatay lang ang kumakayod at nagbabayad ng bills, iba raw ang agreement nila ng mister niyang si Van Victor Leaño.

Naniniwala ang aktres na kailangang magtulungan sa panahon ngayon ang mag-asawa, lalo pa’t napakahirap ngayon ng buhay dulot ng pandemya.

“A friend of mine once told me, ‘Why do you help your husband with the bills? Let him do all of it because he is the husband. Siya pagbayarin mo ng lahat!’

“Well my answer is, ‘Yes he can, but I want to help too, because ayaw ko uminit ulo n’ya and ma-stress sa mga bayarin when I know that I am capable of helping,”” pahayag ng aktres sa kanyang Instagram post.

Bilang isang nanay at asawa, nais din niyang kumita ng sariling pera para kahit paano’y mas maging madali sa kanyang mister ang pagtatrabaho at pagpo-provide sa kanilang pamilya.

“Every marriage is different, while some marriages work when the husband is the one handling all the finances, (and there is nothing wrong with that!) it wouldn’t work for me, because I cannot just sit around at home.

“I want to earn my own money and help him too and so sometimes I can treat him for a nice dinner as well. Kaya naman, napakaswerte mo tlaga sakin ano po? Van Victor Leano Char lang. Love you forever! (hearts and kiss emoji)” sabi pa ni Regine.

Ngunit, agad namang nilinaw ng aktres na wala ring problema kung ang tatay lang ang nagtatrabaho for the family, depende naman daw iyan usapan at diskarte ng mga magulang.

“EDIT: Stay at home moms, wag kayo magalit! I’ve been a SAHM since the pandemic started. I have a 10 month old baby that I’m nursing and a 4 yr old na nag oonline class. 

“I don’t have a yaya so me and my husband take turns in taking care of them. Di ako makapag work now since I cannot leave for a month (lock in tapings) dahil mawawalan ako ng milk. Pero sa awa ng Diyos nakakaraket pa din ako kahit nasa bahay para makatulong. (praying emoji),” pahayag pa ni Regine.

Bumaha ng heart at thumbs up emojis sa IG post ni Regine at halos lahat ay nakaka-relate sa kanya. Meron ding nagsabi na kailangan talagang magtulungan ang mag-asawa para mas maging maayos at matatag ang pagsasama.

Comment ng isang misis, “’Happy Wife, Happy Life’ is destroying many marriages…it should be ‘Happy Spouse, Happy House’ because a good marriage consists of TWO Happy People.”

Sey naman ng isang mister, “Sana ho lahat ng kababaihan ay kasing mature nyo mag isip! Kahit gaano pa kalakas ang Hubby nyo, how secured he might seem to be i guarantee you, he needs a helping hand. Everybody does.”

The post Regine Angeles nagtatrabaho pa rin para makatulong kay mister: Ayokong uminit ulo n’ya at ma-stress sa bayarin appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments