INILUNSAD na ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko ang commemorative stamps na kumikilala sa ipinamalas na tagumpay ng mga Pinoy atheletes sa nakaraang 2020 Tokyo Olympics.
Tampok sa stamps ang winning moments nina Olympic gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz, silver medalists boxers Carlo Paalam at Nesthy Petecio, at bronze medalist Eumir Marcial.
Isinagawa ang unveiling ng stamps sa Manila Central Post Office Building nitong Setyembre 18.
The official stamp launch of the Hidilyn F. Diaz – First Filipino Olympic Gold Medalist, Team Pilipinas Tokyo 2020…
Posted by PHLPost on Sunday, September 19, 2021
“Napakasarap ng pakiramdam na ilan sa ating kababayan ay nakapag-uwi ng karangalan at nakapagbigay ng inspirasyon sa ating bayan. Ito ang nagbunsod sa amin sa Philippine Postal Office na maglabas ng posting stamp o selyo na naglalaman ng larawan ng tagumpay na nakamit ng ating kababayan sa nagdaang Tokyo Olympic Games.” ani Postmaster General at CEO Norman Fulgencio.
Dagdag pa niya, ang kanilang mga larawan sa stamp ang siyang magpapaalala sa kahalagahan ng pagkilala sa kanilang mga ginawa [at isinakripisyo] upang maibandera ang Pilipinas at manaig sa larangan ng palakasan.
FILIPINO PRIDE. STAMPS OF THE TOKYO 2020 OLYMPIC GAMES.FIRST LOOK: The Philippine Postal Corporation (Post Office)…
Posted by Office of the Presidential Assistant for the Visayas on Friday, September 17, 2021
Inilunsad din dito ang ‘Keep the Faith! Be a Hero – Save Your Family, Save the Economy, Save Your Country – Save Lives! Get Your Dose, Fight Coronavirus’ stamps na nagbibigay-diin sa pagiging bayani sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
The post Pinoy champs sa Tokyo Olympics, kinilala sa commemorative stamps ng PHLPost appeared first on Bandera.
0 Comments