Luis Manzano at Vilma Santos
WALA pang final answer si Congresswoman Vilma Santos-Recto tungkol sa susunod niyang plano para sa kanyang political career.
Next month na ang filing ng certificate of candidacy for 2022 national elections pero aminado ang actress-public servant na binabalanse pa rin niya ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay.
Sa latest vlog ng kanyang anak na si Luis Manzano, napag-usapan nga ang ilang kaganapan sa personal niyang buhay at career sa showbiz at politics.
Dito, ibinalita ni Luis na uuwi na sila ng asawang si Jessy Mendiola sa kanilang bahay sa darating na Linggo. Dalawang buwan ding nakitira ang celebrity couple kina Ate Vi.
Ayon kay Luis, kailangan na nilang umuwi dahil balik-trabaho na ang TV host-actor at naka-schedule na siyang mag-quarantine bago magpa-RT-PCR test.
Ayon kay Ate Vi, mami-miss niya ang mag-asawa, “I’ve learned a lot, and I enjoyed yung lahat nating ginawa.”
Birong sabi naman ni Luis, baka raw sa February, 2022 na uli sila makabalik sa bahay ng kanyang ina. Hirit ng aktres, “Ano?! Sobra ka, hindi, ah!”
Sagit ni Luis sa kanyang Momskie Vi, “Anong ipapakain ko sa pamilya ko kung hindi ako magtrabaho?! Didighay ako ng alikabok sa gutom? Huwag mo akong pigilan!!! May pamilya ako! Kailangan kong pakainin ang pamilya ko!”
Samantala, sa isang bahagi nga ng vlog, nabanggit nga ng kongresista ng 6th District ng Batangas ang tungkol sa plano niyang pagtakbo bilang senador sa 2022 elections.
“Isa po yun sa kinu-consider ko. Kaya lang, there are a lot of things na kailangan kong bigyan ng kunsiderasyon.
“Puwede ho akong mag-file ng candidacy sa pagtakbo sa Senado or baka depende naman po sa time o sagot sa pagdarasal ko, baka puwedeng mag-retire na rin po ako sa politics.
“Pero alam kong marami pa po akong puwedeng i-contribute at magagawa. Kaya lang po, yung panahon ngayon, e.
“Hindi po ako makaikot sa Pilipinas para maharap ko po yung mga kababayan natin para maipaliwanag ko po yung mga programang puwede ko pong gawin o batas.
“Kasi siyempre, hahanapin ka rin, e, physically. But with the present situation ng COVID and the variants, it’s kinda scary. Baka mamaya po, gusto niyo akong lapitan, tapos may hihila sa inyo, ilalayo kayo sa akin, iyon ang hindi ko po kaya.
“Kasi, hindi puwedeng yakapin, hindi puwedeng halikan, hindi raw puwedeng makipagkamay.
“Gusto ko po kayong puntahan. Gusto ko po kayong harapin. Gusto ko po tayo mag-usap, lalo nagtiwala kayo sa akin ng napakahabang panahon. Pero dahil sa mga kinu-consider ko, e. Help me pray,” paliwanag ng Star for All Seasons.
Nabanggit ni Cong. Vi na itutuloy na niya ang planong pagba-vlog at ilulunsad daw ang kanyang YouTube channel sa darating na Linggo, Sept. 26.
The post Ate Vi pwedeng tumakbong senador sa 2022: Pero maaaring mag-retire na rin po ako sa politics appeared first on Bandera.
0 Comments