NAGDUDUDA ang mga abogado ng pamilya ng namayapang artist na si Breanna “Bree” Jonson sa naging resulta ng autopsy report na inilabas ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa report, wala na raw ibang sugat o pinsala sa katawan ng dalaga maliban sa ligature na natagpuan sa kaniyang leeg.
“Contrary to prior statements circulating on social media the initial medical legal report of Ilocos Training and Regional Medical Center showed signs of struggle,” saad ng Sunga Salandanan and Ampuan Law Offices sa kanilang pahayag nitong Huwebes, Setyembre 23.
“There were Bruce’s found in some other parts of Brianna’s body other than her neck. The NBir [National Bureau of Investigation] shall conduct another autopsy in Manila, pagpapatuloy nito.
Ang tinutukoy na regional medical center ay ang ospital na pinagdalhan sa dalaga matapos itong makitang walang malay sa kanilang tinutuluyang kwarto sa isang resort sa La Union.
Dito na nga idineklarang “dead on arrival” ang dalaga.
Base sa interview ni Brig. Gen. Emmanuel Peralta, chief of thr Ilocos Police Regional Office sa ANC noong Miyerkules, Setyembre 22, asphyxia o kawalan ng oxygen sa katawan ang sanhi ng kamatayan nito at positibo rin daw ang dalaga sa paggamit ng cocaine. Ito ay base sa autopsy report ng regional PNP crime laboratory.
Sa ngayon ay tinutukoy pa rin ng pulisya ang sanhi ng ligature marks ngunit ayon sa mga imbestigador ay may nakita silang cat chain sa kwarto ng dalawa.
Nagsasagawa naman ng parallel investigation ang NBI upang matukoy ang “tunay” na sanhi ng pagkamatay ng dalaga.
Si Julian Ongpin, boyfriend ni Bree, ang huling nakitang kasama nito sa tinutuluyan nilang resort sa La Union.
Base sa mga saksi at sa CCTV na pinanood ng kampo ni Jonson at ng NBI, nagkaroon ng mainit na bangayan ang dalawa ilang minuto bago matagpuang walang malay ang dalaga. Labas masok raw ang dalawa sa kanilang kwarto bago nila tuluyang i-lock ang mga sarili nila sa loob.
The post Abogado ng pamilya ni Bree Jonson duda sa resulta ng autopsy appeared first on Bandera.
0 Comments