Isko Moreno
SA wakas, nakalabas na rin ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno matapos ma-confine nang ilang araw dahil sa COVID-19.
Ibinahagi ni Yorme kaninang umaga ang good news aa pamamagitan ng kanyang Facebook page kalakip ang ilang litrato na kuha bago siya umalis ng Sta. Ana Hospital.
“Salamat po sa Diyos,” ang maikling caption ni Yorme sa mga ipinost niyang litrato sa FB.
Sa isa pang FB post, makikita naman ang ilang litrato ni Isko habang palabas ng ospital kasama ang ilang health workers na tumulong sa kanyang pagpapagaling.
“Nakalabas na ng Manila Infectious Disease Control Center ng Sta. Ana Hospital si Punong Lungsod Francisco Isko Moreno Domagoso matapos gumaling mula sa sakit na COVID-19,” ayon sa statement mula sa Public Information Office ng Maynila.
Sampung araw ding nanatili sa nasabing ospital ang alkalde ng Maynila para regular na ma-monitor ang kanyang health condition.
Matatandaang dinala sa ospital noong Aug. 15 si Isko matapos tamaan ng COVID-19. Ilan sa sintomas na naramdaman niya ay minor cough, colds at body pains.
Nauna nang ibinalita ni Sta. Ana Hospital director Dr. Grace Padilla na nasa stable condition na ang mayot pero patuloy pa rin nila itong mino-monitor.
Samantala, mananatili muna sa kanyang opisina si Yorme para doon ipagpatuloy ang kanyang quarantine period na tatagal ng tatlo hanggang apat na araw.
“Eleventh day ngayon ng illness ni Mayor. Fifth day na na asymptomatic. Pero isolate muna siya for more or less three days. Tagged na siya as recovered,” pahayag ng Manila public information officer Julius Leonen.
The post Yorme certified COVID survivor, nakalabas na ng ospital pero… appeared first on Bandera.
0 Comments