MATUNOG ang pangalan ng CEO, philanthropist, pageant title holder, at vlogger na si Wilbert Tolentino matapos maging talent manager ng viral social media star na si Madam Inutz o Daisy Lopez in real life.
Ayon kay Momshie Wilbert, opportunity rin para sa kanya dahil trending si Madam Inutz kaya niya naisipang ihandle ang viral social media star. Mas gamay raw kasi nito ang marketing side ng business at naniniwala siyang malaki ang maitutulong niya rito.
“Hindi naman ako naghahabol ng kita eh. Marami akong maitutulong sa kanya na mga endorsement product, sa kanya na lahat ‘yun. Pero ex deal namin, kailangan niyang i-promote lahat ng business affiliates na connected sa akin,” saad ni Wilbert.
Ayon rin sa kanya, nakakaproud daw ang alaga dahil napaka-professional nito, mabait, at nakikinig sa kaniyang mga advices.
Kitang kita naman ng netizens kung paano alagaan ni Momshie Wilbert ang alaga dahil grabe ang pag-level up nito nang simulan niyang i-manage si Madam Inutz.
Ngunit kahit na anong ganda ang gawin mo, may mga kanegahan pa ring nangyayari.
Kamakailan nga ay naging usap-usapan na nagiging mahigpit siya sa kaniyang alaga.
“Napakahirap ng pinagdaranan ko lalo na sa vlog industry. Hindi ko alam na parang showbiz rin. Mahirap i-balance lalo na kapag hindi napagbigyan. Parang nagi-guilty ka na parang nireject mo siya.
“Good intention ka naman para sa talent mo and as a good manager, syempre gusto mo ‘yung anak-anakan mo, magkaroon ng sariling channel niya para ilabas muna niya ‘yung sarili niya, para makilala siya, para masundan ‘yung journey niya,” paglalahad ng talent manager.
Dagdag niya pa, mawawala ang personality ni Madam Inutz kung sa iba’t ibang channel siya lalabas at ‘yun ang ayaw niyang mangyari.
“Sana ‘yung mga friendship natin, sana maintindihan n’yo ko kasi if you were in my shoes rin, aalagaan n’yo rin talaga ‘yung alaga niyo. Kumbaga hindi mo pakakawalan rin. Baka pwedeng may courtesy call kasi importante ‘yung courtesy call,” dagdag pa niya.
Hindi naman daw niya pagbabawalan ang mga collab sa alaga ngunit sana ay nasa proseso.
“Schedule lang po tayo then courtesy call and let me know kung ano ang magiging content bago ko siya i-approve at provided namin ang videographer.
“Kasi siyempre, isu-sustain natin ‘yung kasikatan niya. So kung iba ‘yung kukuha sa kanya tapos may file na wala akong pinaghahawakan, baka mamaya masira ‘yung imahe niya,” aniya.
Matatandaan rin na sa vlog ni Ogie Diaz, nabanggit nito na nag-attempt ang kampo ni Ethel na pumunta kila Madam Inutz para mag-vlog at ibigay ang sorpresa para sa kaniyang ina ngunit hindi ito natuloy dahil hindi ito inapprove ni Wilbert.
“Mahirap pala na pumasok sa vlogging industry. Sabi ko nga sa sarili ko, if I could turn back time, sana hindi na lang ako pumasok sa vlogging industry.
“Parang naipit ako. It’s between friendship and management na hindi mo alam kung sinong babalansehin mo,” pag-amin ni Wilbert.
Ayon kay Wilbert, sa parehong araw nangyari ang paglalabas ng Tiktok video at pagtanggi niya sa kaibigang si Ethel Booba.
Ngunit bago daw lumabas ang video ay nagka-chat na sila ni Ethel at Boobsy at naramdaman niyang iba na ang aura ng mga ito sa kanya.
“Mahal ko sila, promise. Sana maintindihan niyo Mareng Ethel, Mamshie Boobsy, si chef (asawa ni Ethel) na walang meaning ‘yun. Ayokong ma-hurt kayo. Actually ako ‘yung na-hurt kasi same ‘yung atake, same ‘yung approach so na-hurt ako,” pag-amin ulit ni Wilbert.
Si Chad Kinis nga ang isa sa mga nilapitan nito at nag-comfort sa kaniya sa mga nangyayari.
Hindi lang inaasahan ni Momshie Wilbert na may mangyayaring ganito dahil hindi nito personality na may kaaway kaya sa tuwing nangyayari ang mga ganito ay apektado siya.
Ngunit para rin sa kanya, importante ang commitment at nakapag-commit na siya kay Madam Inutz ay poptrotektahan niya ito.
The post Wilbert pumalag sa patutsada ni Ethel; friendship ba o trabaho ang pipiliin? appeared first on Bandera.
0 Comments