Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

True ba, halaga ng kumpletong OOTD ni Jinkee sa laban ni Pacquiao kontra Ugas umabot sa P2-M?

Jinkee Pacquiao

KAHIT natalo si Sen. Manny Pacquiao sa bakbakan nila ng Cuban boxer na si Yordenis Ugas, siya pa rin ang nag-iisang kampeon sa puso ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao.

“To my dear husband Manny. Words cannot express how proud I am of the Man you are. I’m proud to be your wife. You mean the world to me and all our children. We love you so much.

“We, your family, have seen how much you have toiled, sacrificed and given of yourself blood, sweat and tears since the beginning when you dreamed of becoming world champion. 

“You never think of yourself and not afraid to risk your life on the ring time and time again because you love to make the people happy.

“More than your record feats in boxing, it is your love for God, dedication to the Word, and desire to share Jesus to every person you meet that makes us admire you more. Always here for you, my babe!” ang makabagbag-damdaming mensahe ni Jinkee para kay Pacman pagkatapos ng kanyang laban kontra Ugas.

Pero bago pa man matapos ang laban, marami na ang nagtatanong kung magkano raw kaya ang bonggang OOTD ni Jinkee noong manood ng laban ng kanyang asawang senador sa Amerika.

Base sa isang report, ang all-pink OOTD ng misis ni Manny pati na ang kanyang mga accessories ay nagkakahalaga ng mahigit P1.5 million.

Narito ang breakdown ng posibleng presyo ng mga isinuot ni Jinkee sa laban ni Pacman: ang kanyang Shelly cutout pink linen-voile mini dress (Zimmermann) ay nasa €740 o P43,549; Mini Lady Dior pink alligator bag, $8,117 to $9,500 o P406,726 to P476,026.

Ang kanyang gold accessories from Tiffany and Co. na Bypass Ball 18k yellow gold bracelet ay $1950 o P97,710; habang ang suot niyang City HardWear 18k yellow gold and diamond pave bracelet ay nasa $18,500 o P926,998.

May suot din siyang Tiffany and Co. Jewel Box necklace (yellow gold) with emerald-cut pink Tourmaline na may price tag na USD5,500 o mahigit P275,000 plus her Boucheron 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings with rhodolite garnet na aabot ang halaga sa mahigit P227,000.

Makikita rin sa kanyang mga daliri ang napakaraming singsing kabilang na ang Van Cleef and Arpels’s Perlée “Pearls of Gold” ring na may presyo umanong P71,500.

Agaw-eksena rin ang sapatos ni Jinkee na Amina Muaddi Begum Glass Pumps with a price tag of more than P112,500.

Samantala, wala pang final decision si Pacquiao kung itutuloy pa niya ang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa susunod na taon. Iaanunsyo raw niya ito next month bago ang simula ng filing of candidacy.

The post True ba, halaga ng kumpletong OOTD ni Jinkee sa laban ni Pacquiao kontra Ugas umabot sa P2-M? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments