Charo Santos at Daniel Padilla
ANG tarush ng seryeng “Niña Niño” nina Maja Salvador, Noel Comia, Jr. at Empoy Marquez na umeere sa TV5 dahil hindi ito nawawala sa Top 15 programs base sa datos ng AGB Nielsen Phils NUTAM.
Sa latest survery nitong Agosto 17 ay nasa top 13 ang programa at top 19 naman ang “Sing Galing” na parehong mula sa CS Studios at Cignal.
Nang i-launch ang teleserye nina Maja noong Abril ngayong taon ay pumalo na agad ito sa Top 12 na highest rating ng show sa TV5 nu’ng araw na iyon.
At dahil napanatili ng programa ang magandang rating nito ay kasalukuyang nasa second season na sila na ang orihinal na plano ay isang season lamang.
Sabi nga ng isang taga-production, “Magsisinungaling naman kami kung hindi namin gustong tumagal ang show, pero siyempre nu’ng simula sabi namin kahit isang season lang kasi hindi mo pa alam kung ano ang mangyayari, di ba?
“Ang maganda masarap katrabaho sina Maja, Noel, Empoy halos lahat kasi magaan. Makikita mo na masaya lahat sa ginagawa nila hindi mo nakitaan ng may hindi okay o uncomfortable sa isa’t isa,” sabi pa sa amin.
Umeere ang serye tuwing Lunes, Martes at Huwebes dahil PBA naman ang mapapanood kapag araw ng Miyerkoles at Biyernes.
At para sa second season nito ay sa Tarlac magaganap ang lock-in taping. Ipinagmamalaki ng produksyon na walang nagkasakit sa kanila dahil sumusunod sila sa health protocols, as in walang alisan sa venue at higit sa lahat lagi silang may swab test.
Makakasama rin sa second season ng programa sina Ahron Villena, Gio Alvarez at Miles Ocampo.
* * *
Kailan kaya mapapanood sa Pilipinas ang pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine)” na pinagbibidahan nina Ms. Charo Santos Concio at Daniel Padilla dahil habang nananalo ito ng international awards ay mas lalo kaming naiintriga rito.
Muli na namang nakakuha ng international award ang pelikulang idinirek ni Carlo Manatad ng Cinema e Gioventu Prize (Youth Jury Prize) sa katatapos na 74th Locarno Film Festival sa Switzerland.
Dumalo sa awards night ang isa sa producer ng pelikula na si Atty. Joji Villanueva Alonso for Quantum Films at Quark Henares para sa Globe Studios na masayang ibinalita ang good news sa kanyang Facebook page bago sila tumulak pa-Switzerland.
Ipinost ni direk Quark ang poster ng pelikula at ang caption niya ay, “And the good news keeps pouring in! Kun Maupay Man It Panahon is premiering at the Locarno Film Festival in a little more than a week, followed by Toronto International Film Festival (Tiff) shortly after.
“I was eternally grateful to Carlo Francisco Manatad because I was able to go to TIFF, my dream festival, back in 2018 thanks to his short film ‘The Imminent Immanent.’
“That was a study for a much bigger tapestry, a story about a mother and son ravaged by Typhoon Yolanda (Haiyan), searching for each other and a new meaning for home, Whether the Weather is Fine or not.
“Congratulations to Jan Pineda, who brought this to Globe Studios even before I came in, and Gene Blue Tamesis, who championed it. To Jil and Joe who kept that fire burning for 5 years.
“To Attorneynang Joji Villanueva Alonso for fighting for this all throughout. And of course, producer extraordinaire Armi Rae Cacanindin, who we loved so much we had to have her join our team (shet ang ganda ng poster mo Justine Besna).”
Pinasalamatan din nina Atty. Joji at direk Quark ang co-producers nila at ang buong team ng “Kung Maupay Man It Panahon (Whether the Whether si Fine)” tulad nina Ling Tiong, Yulia Evina Bhara, Milena Klemke, Yvonne Wellie, Jakob D. Weydemann, Jonas Weydemann.
At para sa iWant naman ay sina Executive Producers: Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Roldeo Endrinal, Jamie Lopez, Ginny Monteagudo-Ocampo, Olivia Lamasan, Quark Henares, Jan Pineda, Josabeth Alonso, Armi Rae Cacanindin, Arleen Cuevas.
Supervising Producers Erick Castillo Salud, Marizel Samson-Martinez, Kriz Gazmen, Line Producer: Patricia Sumagui; Director of Photography, Lim Teck Siang; Production Designer, Whammy Alcazaren; Editor, Benjo Ferrer III; Music, Andrew Florentino; Sound Design: Roman Dymny; Art Director, Sam Manacsa, Nimrod Sarmiento; Wardrobe, Thesa Tang; Makeup and Prosthetics, Jefferson Cabral.
Ang aming pagbati mula sa BANDERA.
The post Pelikula nina Charo at Daniel wagi na naman ng international award; Maja, Empoy magaan katrabaho appeared first on Bandera.
0 Comments