Lee O.Brian, Pokwang at Malia
ALIW na aliw kami sa nakakalokang rebelasyon ng bagong Kapuso star na si Pokwang tungkol sa pagseselos niya noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Lee O’Brian.
Kuwento ni Pokey, talagang kinompronta niya nang bonggang-bongga ang Amerikanong asawa nang mabasa ang isang message sa cellphone nito.
Ayon sa komedyana, aksidente niyang nabasa ang mensahe sa cellphone ni Lee kung saan tinawag daw ng texter ang husband niya ng “Darling”.
“Ang term of endearment nila is ‘darling.’ So, nakita ko, ‘I’m home, darling!’” ang nanlalaki pang matang sumbong ni Pokwang nang maging guest co-host sa nakaraang anniversary episode ng “Mars Pa More” with Camille Prats and Iya Villania.
Talaga raw nag-inom si Pokwang nu’ng gabing iyon at matapang na inaway ang asawa, “Naglasing ako that night, chenelyn, chenelyn! Tapos inaway ko siya.
“E, meron ako sa bahay na katana (Japanese sword). Oo, hinabol ko siya nu’n, ‘day! Tapos iyak siya nang iyak. Sabi. niya, ‘Wala akong kakilala dito. Wala akong kaibigan dito. Bakit mo ako ..’ ‘Sino’ng darling-darling?!’
“Du’n niya in-explain sa akin, ‘I have an adopted sister. She’s Korean, chenelyn bumble bee.
“’Ano’ng magagawa ko? Nahabol na kita. E, ‘di, annyeong!’” natatawang chika pa ni Pokwang.
Sey pa ng komedyana, wala pa raw talaga siyang idea noon tungkol sa adopted sister ni Lee dahil nga bago pa lang silang magdyowa noon.
Sa isang hiwalay na interview kay Pokwang, naikuwento rin niya na talagang nag-effort ang asawa niya na maka-adapt sa kultura ng Pinoy.
“Sabi ko sa kanya, ‘Babe, ako, kahit hirap na hirap ako mag-English pero I’m trying my best to communicate with you, lalo na sa anak natin. Pero rerespetuhin ko kung hanggang saan lang ‘yung kaya mong i-adapt, ‘yung culture namin, kung ano meron kami.
“In all fairness naman kay Papang, nag-adjust naman siya ng bonggang-bongga. Nag-aral siya ng Tagalog, tapos ‘yung mga pagkain na ‘di mo akalain na kakainin niya,” ani Pokey.
Taong 2015 nang magsama sina Pokwang at Lee at magkatuwang nilang binubuhay ngayon ang anak nilang si Malia.
Sey pa niya kapag may tampuhan o issue sila ng asawang Amerikano, “Kapag galit na, lalayo na lang. Kaysa mag-English ako ng mag-English na ikamatay ko pa, aalis na lang ako. Pag balik, wala na ‘yung galit.
“Basta ang bonding namin lagi, nagkakasundo kami ‘pag oras na ng kainan. ‘Uy, pinagluto na kita’, ayun bati na kami nu’n,” chika pa ni Pokey.
The post Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak! appeared first on Bandera.
0 Comments