Kylie Verzosa
IMPORTANTE ngayon ang kalusugan ng pag-iisip. Ito ang dahilan kung bakit pinili ng KonsultaMD si Kylie Verzosa, Miss International 2016 at tagapagtatag ng Mental Health Matters (MHM), bilang kampeon nito para sa mental health.
Ito’y para magbigay ng suporta sa kalusugan ng kaisipan at kamalayan sa mas maraming mga Pilipino.
Normal lang na makaramdam ng hirap at kalungkutan lalo na kapag nahaharap sa matinding hamon tulad ng isang pandemya. Gayunpaman, sa tulong ng mga kaibigan, kasamahan at kapareha tulad ng MHM at KonsultaMD, hindi kinakailangang labanan ang mga ito nang mag-isa.
Itinatag noong 2017, nilalayon ng MHM na itaas ang kamalayan at alisin ang hindi magandang pagtingin na nakapalibot sa mental health at mental illness sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga magulang, paaralan, at kumpanya. Ang samahan ay laganap na sa buong Pilipinas.
Ang mga nangangailangan ng suporta ay maaaring makatanggap ng libreng konsulta sa loob ng isang buwan sa pamamagitan ng pag-download ng KonsultaMD app at paglalagay ng “KMDKylie” bilang voucher code, at pagpindot sa “2” para sa mental health assistance kapag tumatawag sa hotline ng KonsultaMD.
“Ang depresyon ay isang karamdaman na kailangang gamutin. Alam kong kailangan nito ang matinding pagsisikap. Kailangan nito ng will power. Mahirap pero kailangan mong ibangon ang iyong sarili mula sa kama; one day at a time. Maaaring ang pagsisipilyo at pagligo ay maliit na bagay lang pero isa na itong tagumpay,” ayon kay Kylie.
“Ang pagkakaroon ng access sa telehealth para sa mental wellness ay mahalaga lalo na ngayon. Tulay ang telehealth para maserbisyuhan ang mga liblib na lugar kung saan walang mga nakatira o naka destinong doktor.
“Sa pamamagitan ng KonsultaMD, maaari kang kumunsulta sa doktor anumang oras, kahit saan sa pamamagitan ng voice o video,” sabi naman ni Cholo Tagaysay, KonsultaMD Chief Executive Officer.
Ang KonsultaMD ay isang serbisyo sa telemedicine na bukas 24/7. Ito ay nasa ilalim ng 917Ventures, ang pinakamalaking corporate venture builder sa bansa at pagmamay-ari ng Globe.
Pinamamahalaan ito ng mga lisensyadong doktor na nagbibigay ng pangangalaga ng kalusugan, suporta sa mental wellness, at mga serbisyong pangkaisipan at sikolohikal.
Ito ay sa pamamagitan ng mga voice calls o video na pwedeng gawin anumang oras at kahit saan. Nag-aalok din ang app ng mga e-prescription, kahilingan sa e-laboratory, at e-medical certificate.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa KonsultaMD, bisitahin ang https://ift.tt/3wo2Cv7.
The post Kylie Verzosa, KonsultaMD nagsanib-pwersa para sa mental health ng Pinoy appeared first on Bandera.
0 Comments