Miss Namibia Chanique Rabe at Miss Philippines Dindi Pajares
ITINANGHAL na Miss Supranational 2021 si Chanique Rabe ng Namibia sa ginanap na grand coronation ngayong araw (Philippine time) sa Strzelecki Park Amphitheater, Nowy Sacz, Poland.
Ang kandidata ng Pilipinas na si Dindi Pajares sa nasabing international pageant ay umabot naman sa Top 12 ng competition.
Hindi na nakaabot si Miss Philippines sa final round kung saan sumabak nga sa question-and-answer portion ang mga kandidata.
Si Karla Guilfú Acevedo ng Puerto Rico ang nagwaging 1st runner-up habang ang kandidata ng South Africa na si Thato Mosehle ang 2nd runner-up.
Si Valentina Sánchez naman ng Venezuela ang waging 3rd runner-up at si Eoanna Constanza ng Dominican Republic ang nanalong 4th runner-up.
Ang iba pang nakapasok sa top 12 ay sina Miss Belgium Louise-Marie Losfeld, Miss India Aavriti Choudhary, Miss Netherlands Swelia Da Silva Antonio, Miss Poland Natalia Balicka, Miss Indonesia Jihane Almira Chedid, at Miss Romania Michela Ciornea.
Sa mga ipinamigay na special awards, wagi si Miss Belgium Louise-Marie Losfeld ng Miss Photogenic; Miss Indonesia Jihane Almira Chedid, Best National Costume; at Miss Supra, Fan vote award.
Si Miss Puerto Rico Karla Guilfú Acevedo naman ang nag-uwi ng Miss Elegance award; Miss Ghana Verónica Sarfo Adu Nti, Miss Talent; Miss Panama Darelys Santos, Top Model award; at Miss Kenya Phidelia Mutunga, Super Influencer award.
Bago ganapin ang Miss Supranational 2021 grand coronation night, isa si Dindi sa mga itinuturing na strong competitors dahil palagi siyang pasok sa mga top choices sa ginanap na online challenges.
Nakasama siya sa Top 10 ng Supra Fan-vote at Supra Influencer challenge at naging 1st runner-up pa sa Miss Elegance challenge.
Sa second semi-final round ng Supra Chat, natanong si Pajares kung ano ang gusto niyang maalala sa kanya ng publiko sakaling hindi niya masungkit ang Miss Supranational 2021 crown.
“I want people to remember me for my ‘never give up’ attitude. After the competition, if you fail, you didn’t make it, use the opportunity to promote your advocacy.
“You have that advocacy not because… you’re not promoting it just because you’re in a pageant. You have that advocacy because that’s your purpose and that motivates you to keep on going and do something nice.
“So remember that this is not the end of the world, this is not the end of your journey as a Supranational queen.
“I’m going to continue my life as an Air Force reservist, serving my community. And at the same time, I’m very much willing to support the Miss Supranational, the winner, to continue what she wanted to pursue, and also get in touch with the organization and also still continue to share and to promote my advocacy,” aniya pa.
The post Miss Namibia waging Miss Supranational 2021; Dindi Pajares umabot sa Top 12 appeared first on Bandera.
0 Comments