Luis Manzano, Vilma Santos at Jessy Mendiola
KNOWS n’yo na ba kung bakit “Lucky” ang tawag ni Vilma Santos sa anak niyang si Luis Manzano? At ano nga ba ang isang bagay na nakakapagpainit ng ulo ng TV host-actor?
Sinagot yan ni Luis sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube kasama ang inang Star For All Seasons at asawang si Jessy Mendiola.
Sumabak sina Ate Vi at Jessy sa “Who Knows Lucky Better” game kung saan mag-uunahan sa pagsagot ang dalawang babae sa buhay ni Luis sa mga itatanong sa kanila tungkol sa TV host.
Parehong nasagot nang tama nina Ate Vi at Jessy ang tanong kung ano ang palayaw ni Luis noong bata siya. “Lucky” ang sagot ni Vilma at “Bako bako” naman ang sabi ni Jessy.
Sey ni Luis, “bako-bako” ang tawag sa kanya dahil bako-bako raw ang ulo niya noong bata pa siya. Nagpaliwanag naman si Ate Vi kung bakit “Lucky” ang tawag niya kay Luis.
“Nu’ng time na nagkaroon ako ng problema financially, back to zero talaga, wala na akong pera, pinagbubuntis ko siya noon. And then nung pinanganak ko si Lucky, April 21, 1981.
“So April is 4th month, plus 2 + 1, is 7. And then nu’ng pinanganak ko siya, ang birth weight niya, ay 7.7 kgs. When I was pregnant with him, I was literally back to zero financially.
“When I gave birth to him, alam mo ‘yung recover ko talaga sa showbiz, parang mas minahal ako ng mga tao. Doon ko nakuha ‘yung box office, doon ko nakuha lahat ng best actress award.
“Talagang naging very, very lucky siya sa buhay ko. I was able to recover. Kaya mula noon sinabi ko talagang lucky siya sa buhay ko,” kuwento ng actress-politician.
Tumpak din ang sagot ni Jessy nang tanungin ni Luis kung ano talaga ang kanyang dream job, “Doctor. Surgeon.”
Sey ni Luis, “Partly, tama. Pero fighter pilot talaga. Pero doctor, ‘yan din talaga. In fact, ang course ko dapat nung college ay magdo-doctor dapat ako.”
Kasunod nito, natanong din si Jessy kung ano ang bagay na nakakapagpaiyak sa kanyang husband, “Ang napapansin ko sa ‘yo, minsan iniisip ng mga tao, palagi kang nagdyo-joke. Minsan iniisip nila na, kahit ‘yung mga seryosong bagay hindi mo masyadong napapansin kasi gusto mo palaging joke lang, palaging masaya lang.
“Pero ang hindi nila alam, kapag napag-uusapan na ‘yung foundation, ‘yung mga orphanage, ‘yung charities na sinusuportahan ni Luis. Kasi one time, nanood po ako ng isang taping niya sa Minute To Win It yata ‘yun.
“Tapos parang birthday episode po niya ‘yon, tapos sinurprise po siya na nandoon lahat ng kids sa Child Haus. Nakita ko na umiyak talaga si Luis. And tayo pa lang noon, hindi pa tayo nagpakakasal noon or hindi pa tayo engaged, sabi ko, ‘Napakabait talaga ng taong ‘to,'” lahad ni Jessy.
Tama rin ang sagot ni Ate Vi sa tanong kung ano ang pinakakinaiinisan ni Luis, “Nale-late. Galit na galit ‘yan sa mga taong laging late.
“Kung gusto niyong uminit ang ulo niya, ‘yung merong schedule, nag-antay siya ng 30 minutes, 1 hour, bago dumating ‘yung kasama niya, ‘yun ang susumpungin talaga siya ng grabe,” chika ng Star For All Seasons.
Sey naman ni Luis, “Dahil naniniwala ako na one of the most basic forms of respect is being on time.”
Agree naman si Vilma nang sabihin ni Jessy na magaling talagang sumayaw si Luis, “Alam niyo po, sa totoo lang, agree ako sa ‘yo Jessy. Magaling po siyang sumayaw. It’s just kung minsan, lahat ng bagay binibiro niya.
“Pati ‘yung sayaw niya, niloloko niya. Pero magaling pong sumayaw si Lucky,” sey ni Ate Vi.
The post Luis galit na galit sa mga nale-late; bakit ‘Lucky’ at ‘bako-bako’ ang tawag sa kanya noong bata? appeared first on Bandera.
0 Comments