JM de Guzman
BINALIKAN ng Kapamilya actor na si JM de Guzman ang madilim na bahagi ng kanyang buhay ilang taon na ang nakararaan matapos malulong sa ipinagbabawal na gamot.
Tatlong taon makalipas ang kanyang huling rehabilitation program for substance abuse sa isang facility sa Batangas, nagkuwento si JM tungkol sa mga hinarap niyang challenges noon.
Naging emosyonal ang binata sa bago niyang post sa Instagram kung saan inalala nga niya yung araw na binitbit siya ng ilang kalalakihan palabas ng tinutuluyang hotel.
Ibinahagi ng magaling na aktor sa IG ang certificate of graduation na natanggap niya noon sa rehab center at may caption na, “I remember 6 years ago, was sleeping in a hotel room. 5 or 6 huge guys woke me up.
“They had access [to] my room, pinned my head, elbows, knees, and chest while I watched the other guy inject something [into] my right shoulder.
“I felt weak in an instant. They carried me, took me out of the hotel in a stretcher. Outside the hotel since my head is tied, I see in my peripheral my aunt, mom crying like someone died.
“I cried too and shouted don’t let them take me. Fell asleep for 3 days inside the aero med van. Woke up alone in a small room with steel bars.
“Stayed there for a month. Then transferred me to rehab and stayed there for 2 years. This is because I relapsed after a 1 month basement and 1 year stretch in my first rehab,” pahayag ni JM.
Aminado rin ang “Init Sa Magdamag” lead star (with Gerald Anderson and Yam Concepcion) na patuloy pa rin niyang nilalabanan ang mga hamon ng buhay at nagpapakatatag hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya.
“This haunts me everyday. in my sleep or while wide awake. For years I suffered. I was imprisoned by pain and hate. Patched it up with a drug that made me lose everything I love.
“Thank you God for everything. I’m not alone anymore. O pray for happier and peaceful days to come.
“Maybe I’m sharing this to remind other people to stop f**** with my peace or anyone’s peace…
I don’t want to be that person anymore.
“Be kind yoow.
“Peace out.”
Kung matatandaan, sa isang panayam sinabi ni JM na nagsimula siyang magbisyo noong 18 years old pa lamang siya. Feeling daw niya nagiging malakas at matapang siya kapag nakadroga.
“Akala ko makakatulong siya sa akin as a person, as an actor at first, but nung nag-rehab ako nahukay sa akin na I have issues since I was a kid na like I was bullied when I was really young.
“So wala na akong self-esteem or confidence at that time. Taking drugs gives me power,” lahad pa ng aktor.
Pinusuan at umani naman ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizens ang IG post ni JM kabilang na riyan ang mga kapwa niya celebrities.
Ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz na nagbigay ng words of encouragement at sina Baron Geisler, Tom Rodriguez, Meg Imperial, Maxene Magalona, Max Collins, Dianne Medina at marami pang iba.
The post JM inalala ang naging laban kontra droga: I don’t want to be that person anymore… appeared first on Bandera.
0 Comments