Dennis Trillo
NAGMAMARAKULYO ang GMA Network head writer na si Suzette Doctolero dahil sa mababang rating ng “Legal Wives” na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.
“Pababa ang ratings ng LW kahit na ito ay pinupuri. Aanhin ang papuri? We need ratings. Bakit hindi nagre-reflect sa ratings ang papuri? We need ratings.
“Bakit hindi nagrereflect sa ratings ang papuri? Kung hindi mag rate ang isang show, o magdeliver ng numbers, hindi na po magkakaroon uli ng ganito,” ‘yan ang aria ni Aling Suzette na lumabas sa isang Facebook entertainment website.
“Mali ako. Tradisyunal at formula soap pa rin talaga ang tinatangkilik ng tao,” dagdag pa niya.
Supposed to be ay lumabas ang statement na ‘yan ni Aling Suzette sa kanyang Twitter account pero mukhang binura na niya dahil hindi na namin makita ang post niyang iyon.
Anyway, marami ang nag-react sa aria ni Aling Suzette.
“Marami na kasing nagbasag ng telebisyon mula ng mawala ang abs cbn sa ere… Ibig sabihin konti lang talaga viewers niyo… Ilan po babang mga pumupuri? Yun na lang po ipost niyo. Ang mga viewers nakasunod sa Kapamilya sa digital platforms.”
“The whole concept is good pero wala talagang dating mga acting bukod kay gil and some veterans. nakalimutan ko yung palabas nila Rhian, Tom and Carla noon. yun maganda. unique rin but the cast and execution MAGAGALING. sana nga pinahaba yun diko alam bat ang bilis natapos eh ang taas ng ratings.”
“Dpt kasi huli ung ky alden eh.. Kakaumay na story mas maganda LW.”
“Kayo-kayo lang kasi nagpupurihan kaya akala nyo hype na hype. Partida pa dun sa walang franchise at halos limited areas lng nakakanood at ‘nakakasawa’ na daw pero andami pa ding nanonood. Lols.”
“Mababa ang ratings kasi yung title is parehas sa teleserye noon ng ABS-CBN which is THE LEGAL WIFE ang twist lang is all about culture and mistress ang LEGAL WIVES pero yung acting hindi nakakadala. Pero yung THE LEGAL WIFE diko ma explain sa sobrang galing ng mga cast and acting. This is based on my observation.”
* * *
Ang TFC pa rin ang pinakapinanonood sa mga multicultural Asian household sa Amerika para sa buwan ng Hunyo at Hulyo 2021, ayon sa datos ng Comscore, ang nangunguna at pinagkakatiwalaang source ng TV viewing data sa U.S.
Ang channel ng ABS-CBN sa ibang bansa na TFC ay patuloy na nangunguna at mas pinipiling panooring Filipino channel ng subscribers sa U.S. Ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Init sa Magdamag,” “La Vida Lena,” “Everybody Sing,” “#NoFilter,” at “TV Patrol Global Edition” ang mga nangunguna sa top 20 programs ng Comscore.
Para sa buwan ng Hunyo, 18 sa Top 20 shows ay galing sa TFC. Habang noong Hulyo, 19 sa mga programa ng TFC ang nasa Top 20 shows at isang show lamang galing GMA Pinoy TV ang nakapasok na pang-17 sa listahan.
Nanguna rin ang TFC sa mayroong pinakamaraming naaabot na kabahayan o households sa Asian networks, at sinundan lamang ng Sony Entertainment TV Asia (Southeast Asian) at GMA Pinoy TV (Filipino).
Ipinakita rin sa data ng Comscore na para sa Hunyo at Hulyo, mas maraming manonood ang nakatutok araw-araw sa TFC kumpara sa GMA Pinoy TV sa mga “critical day parts.”
Pahayag ni ABS-CBN North America Managing Director Jun Del Rosario, “Natutuwa kami na base sa ipinakitang datos ng Comscore, nangunguna ang TFC kung ikukumpara sa ibang channels sa kaparehong kategorya. Kung pagbabasehan ang datos mula sa Comscore at aming viewing metrics sa digital platforms, makikita na ang dami ng manonood ng TFC sa U.S. ay kapareho rin ng dami sa Europe, Middle East, at Asia Pacific.”
The post Head writer ng GMA may hugot sa Legal Wives ni Dennis: Aanhin ang papuri? We need ratings! appeared first on Bandera.
0 Comments