Bianca Umali at Dennis Trillo
NAPAKARAMING natutunan ni Bianca Umali sa pagganap bilang ikatlong asawa ni Dennis Trillo sa Kapuso primetime series na “Legal Wives.”
Kaya naman todo ang pasasalamat ng dalaga na siya ang napili na mag-portray sa karakter ni Farrah Balindong ang pinakabatang legal wife ni Ismael Makadatu (Dennis).
Si Andea Torres naman ang gumaganap na second wife as Diane San Luis at si Alice Dixson ang unang legal wife bilang si Amirah Alonte.
Ayon kay Bianca, “Itong proyekto po na ito, wala po siya talagang… sinikreto po siya sa akin. In-announce po siya sa akin nu’ng contract renewal ko po with GMA, with Artist Center, and together with sila Ms. Annette (Gozon) po, sila Ms. Tracy (Garcia) and LGR (Lilybeth Gomez-Rasonable), lahat po sila, after ko pong makapirma, sinabi po nila, ‘Congratulations, ikaw na ang third wife.'”
“Nu’ng sinabi po sa akin yun, honestly, hindi ko po agad naintindihan, na, ‘Paano pong third wife?’ Tsaka lang nila in-explain sa akin yung istorya at yung role, and no second thoughts at all.
“Masaya po ako and very thankful na napagkatiwalaan po ako again ng isa pang cultural drama, and I’m happy that after Sahaya, ito po yung ginawa ko and i’m proud of this,” pahayag ni Bianca.
Medyo sensitibo ang tema at kuwento ng “Legal Wives”, “Honestly po sa akin, sa buong buhay ko, so far, never naman po ako nagkaroon ng misconception about Islam, their culture or any other religion, but nu’ng… I knew that it was something that was always sensitive and very controversial.
“Kaya nu’ng natahak ko po itong journey ko bilang si Farrah wala man pong na-correct na misconception sa akin, pero mas na-amaze po ako sa dami ng natutunan ko,” aniya pa.
Sa tanong kung keri ba niyang maging isa sa legal wives ng isang Muslim, “Siguro nakadepende po iyan sa kung gaano ko kamahal yung tao, and hindi po ako nagsasalita nang tapos. And kung in the future ay hindi po natin alam ay makapagmahal po ako ng Muslim, I might be willing to go that far.
“And depende rin po sa set-up, depende po. Hindi ko po masabi, pero I know that it will be hard. Pero I think na if my heart will be willing by then and kung worth it naman po, bakit hindi,” paliwanag ng Kapuso actress.
The post Bianca Umali payag maging isa sa legal wife ng Muslim: Kung worth it naman po, bakit hindi… appeared first on Bandera.
0 Comments