Bago pa man umamin si Sen. Ping Lacson na siya ay kakandidato bilang pangulo sa 2022 ay marami na ang nakaka-alam ng kanyang ambisyon.
Eh bakit nga naman hindi samantalang lahat ng isyu ay sinasakyan niya panay rin ang pag-labas ng mga pictures niya lalo na sa social media.
Mula pa lamang noong bumaba siya sa pwesto bilang hepe ng PNP noong kainitan ng Edsa Dos ay Malacañang na talaga ang target ni Ping.
Hindi natapos sa kanyang pagkatalo sa presidential race noong 2004 ang ambisyon na iyun bagkus ay mas ipinusisyon pa niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkandidato na nagresulta nga sa kanyang pagka-senador.
Kilalang madaldal na pulitiko itong si Lacson na malayong-malayo sa imahe ng mga machong “cavalier” ayon nga sa obserbasyon ng isang dating opisyal ng militar.
Mahusay mang-urot pero pikon ayon pa sa isa namang dating opisyal ng PNP.
Pero isa na ata sa pinaka-vocal sa lahat ng kanyang mga kritiko ay ang dati niyang BFF sa noo’y Presidenatial Anti-Crime Commission (PACC) na si dating Gen. Reynaldo Berroya.
Kamakailan ay naglabas ng pahayag si Berroya na nagsasabing gagawin niya ang lahat para ilantad sa publiko ang tunay na pagkatao ni Lacson.
Tulad ng inaasahan ay nandyan na naman ang isyu ng Dacer-Curbito double-murder case, Kuratong Baleleng rubout at pagkamatay ng ilang mga personalidad pati na ng ilang kapwa niya graduate sa Philippine Military Academy.
Paulit-ulit na mauungkat ang mga isyung ito dahil hanggang ngayon ay bitin ang sambayanan sa katotohanan sa mga pangyayaring ito.
Tinanong ko rin ang ilang kaibigan sa militar at pulisya kung may dating ba sa kanila ang dati nilang kabaro?
Sa mga retired generals daw baka sakaling meron pero sa kanila walang masyadong alingawngaw kundi puro singaw.
The post Skeleton sa closet ni Ping Lacson, muling lalabas nga ba? appeared first on Bandera.
0 Comments