Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

NAPAGOD sa pakikipaglaban si John Lloyd Cruz para sa mga gusto niyang gawin sa mundo ng showbiz kaya nagdesisyon siyang iwan muna ang pag-aartista.

Halos apat na taon ding nawala sa eksena ang award-winning actor at mukhang wala naman siyang pagsisisi sa ginawa niyang pamamahinga pansamantala sa entertainment industry.

Ayon kay Lloydie, may mga bagay daw siyang nais gawin at subukang noong mga panahong yun para na rin sa kanyang mga tagasuporta ngunit tila hindi umaayon sa kanya ang tadhana.

“I guess I got tired of fighting for the content that I want to see on like a more commercial platform, ‘di ba? Kasi I feel like we owe it to them. 

“We owe it to our audiences. ‘Yung we make sure na hindi namin kayo pauulit-ulit,” ang pahayag ni John Lloyd sa panayam sa kanya ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila.

“As much as nagma-mature kami or we’re growing as performers, siyempre you want to take your audience with you, ‘di ba?” dagdag pa ng isa sa mga tinaguriang Box-Office King.

Sey pa ni Lloydie, parang may hinahanap pa siya sa mundong ginagalawan niya na magbibigay sa kanya ng purpose.

“May struggle na it doesn’t feel normal anymore. Na wala, iniwan mo lang doon ‘yung dialogue,” sey pa ng aktor.

Sa mga nagsasabi naman na dahil na-in love siya noon at talagang gusto nang bumuo ng sariling pamilya kaya siya nagpahinga, “Tingin ko, ‘yung going back to primitive lifestyle or ‘yung mas grounded, mas simple, parang I think natural lang siya na mahanap or establishing a desire to have a family. To have your own family unit is a very primitive idea.

“Kaya siguro ako doon napadpad. But that’s not the entire reason kung bakit ako tumigil or umalis,” paliwanag ng aktor.

Sa tanong naman kung ano ang nagtulak sa kanya para bumalik sa showbiz, may kinalaman daw dito ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias.

“Well, don’t get me wrong, ha? Wala namang masama to desire kumita especially kapag may lumakaki kang bata. And more than that, gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho. Malaking parte ‘yun ng desisyon ko.” 

Dagdag pa ni Lloydie, nais din niyang ma-experience ang kaibahan ng showbiz ngayon, “Hindi ko alam kung ano ang lamang kasi, ‘di ba it’s always a composition. And gusto kong malaman kung ano ‘yung ngayon. ‘Yung kung paano makipag-diskurso ngayon sa sarili mong audience.” 

Na-miss ba niya ang pag-arte at ang pagpe-perform sa harap ng maraming tao? “Maybe not acting or like creating a character per se. Pero, I miss collaborating.

“Kasi when you’re collaborating, you grow, ‘di ba? And you get to contribute and when you get to contribute parang somehow, okay may nagawa ka out of your free time and free will,” tugon ng aktor.

Ano naman ang aasahan ng publiko sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz? “Nakapaloob pa rin ako sa isang journey and I don’t really take note of the new you or what’s new, what’s old or what’s vital. 

“I can’t say for sure. Gusto ko lang siya mag-unfold on its own. Kung ito na ‘yun, so be it. Ang mas importante, ano ba ang magagawa?” aniya pa.

The post John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments