Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Netizens nag-react sa sosyal na pagkain ng alagang aso ni Heart: Inulam ko pa naman yan kahapon!

NAG-POST si Heart Evengelista ng photo kung saan may hawak siyang lutong corned beef at kitang-kita sa photo na kasama niya ang favorite pet niyang si Panda.

“Late lunch buddies,” caption ni Heart sa photo.

Ang tingin ng marami ay para kay Panda ang corned beef kaya naman marami ang nag-react.

Mas nasosyalan sa lunch ni Panda, mero din naman nag-warning na makasasama sa aso ang onions.

“Aww beautiful dog! Pls be careful with the onions… It can be bad for the stomach of dogs & cats. For newly weaned kittens onions can be poisonous.”

“Ganyan din naman tanghalian ko ngayon pero bakit mukhang mas masarap luto mo, Ms. Heart.”

“Sana naging aso nalang ako.”

“Lucky dog having corned beef.”

“Sa aso lang pala ipapakain. Hahaha.”

“Pagkain pala ni Panda yung  corned beef.”

“Yung pagkain ng aso breakfast ko na yan! hahaha.”

“Hala. Para lang pala sa aso ang cornedbeef inulam ko pa naman kahapon.”

Teka, para ba kay Panda ‘yang niluto mong corned beef, Heart?  Pakisagot nga. Marami kasi ang nagtatanong.

* * *

Ang bongga talaga ng Kapamilya fans, ha! Top trending kasi the other day hindi lang isa, kundi dalawang topics sa Twitter na may kinalaman sa premier talent agency sa bansa na Star Magic ng ABS-CBN.

Winner sa libu-libong tweets from netizens ang “#TheMagicContinues” at “StarMagic ShinesBrighter,” kung saan puring-puri ng Twitterdom ang galing nila sa pag-manage at pagpapasikat ng mga artista.

“Star Magic and ABS-CBN are the home of the brightest and amazing actors, actresses, singers, dancers, directors, and other personalities. Yes! #TheMagicContinues,” sey ni @IsaacNormanNav2.

“Digital na nowadays kaya kahit walang prangkisa ang @abscbn their artists shine like in music, humahataw ang mga taga Star Magic. I personally thank them cos ever since I’m a Kapamilya… #TheMagicContinues,” tweet naman ni @zelmz2.

Nakakatuwa na the day before nag-trending ang Star Magic ay mismong ang fans ang nag-organize ng kanilang Twitter party.

Siyempre pa, kanya-kanyang bida rin ng mga paborito nilang Star Magic talents ang mga fans gaya na lang ng love teams na KathNiel, LizQuen, SethDrea, KyCine, DonBelle, pati na Kapamilya stars like Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Joshua Garcia, at iba pa.

Anyway, bongga rin naman kasi talaga ang Star Magic, na nito lang nakaraang buwan ay nagdaos ng “Black Pen Day” kung saan mahigit 40 artists ang pumirma ng kontrata sa kanila.

Pagbubunyag pa ni Star Magic and ABS-CBN entertainment production head Laurenti Dyogi, nasa plano na talaga nila to go global, “To see our artists perform alongside the best artists in the world is what we will strive to achieve.”

Well, abangan natin! Hindi na rin masama makakita ng bagong Filipino talent conquering the global stage, ano!

The post Netizens nag-react sa sosyal na pagkain ng alagang aso ni Heart: Inulam ko pa naman yan kahapon! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments