Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kuya Wil sa chismis na nabutis niya si Herlen Budol: ‘Anong magiging anak namin, hipon?’

Kabahan na ang mga nagpapakalat na nabuntis ni Willie Revillame ang co-host niya sa Wowowin na si Herlene Budol na mas kilala bilang si Hipon Girl. Pinapa-check na raw ng TV host ang detalye kung saan at sino ang pinagmulan ng tsismis dahil ire-reklamo niya ito sa National Bureau of Investigation.

Aniya, “Paano ba ireklamo ‘yan sa NBI?  Hanapin n’yo nga ‘yung Facebook (account).  E, kaya raw nawala si Hipon, nabuntis ko.”

Kasalukuyang namimili sa malaking monitor si Willie ng mga mananalo sa segment na Tutok To Win ay nadaanan niya si Hipon Girl na trending ngayon dahil buntis daw.

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik,”

“Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?.

“Wala kayong magawa sa buhay pati mga taong nanahimik,” diin ni Willie sa programa niya.

 

The post Kuya Wil sa chismis na nabutis niya si Herlen Budol: ‘Anong magiging anak namin, hipon?’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments