HINDI pa rin ba tinitigilan ng bashers at body shamers ang dancer at actress na si Ella Cruz?
Sa recent Instagram post kasi nito, tila may patutsada ang dalaga sa mga body shamers.
“EverybodyIsABikiniBody.
“Imbis na magfocus tayo sa flaws ng iba, bakit hindi tayo magfocus sa kagandahan sa atin sarili? Para makita rin natin ang kagandahan sa ibang tao? #StopBodyShaming wake up.”
Ito ang caption ng dalaga sa kanyang post kung saan makikita ang dalaga na nasa beach.
Marami naman ang sumang-ayon sa dalaga. Pinuri rin ng netizens ang dalaga dahil sa taglay nitong kagandahan at kaseksihan.
Hindi naman na bago ang mga body shamers sa Pilipinas. Sa katunayan, mapa-artista man o ordinaryong Pinoy, nakararanas ng panglalait base sa panlabas na kaanyuan.
Noong nakaraang taon nga lang nang maranasan ito ni Ella. May mga netizens kasi na tahasang nagbigay ng komento at nagtanong pa kung buntis ito dahil tumaba raw siya.
Depensa naman ng aktres, “Pagka-artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto nyo? Katatapos lang ng pasko at bagong taon, hindi ba pwedeng bakasyon din ang pagdiet?”
Hindi lang si Ella ang kauna-unahang artista na naging biktima ng body shamers.
Matatandaan na kamakailan lang ay marami ang bumatikos kay Angel Locsin dahil sa kanyang timbang.
Ang pamamahiya at panglalait sa pisikal na pangangatawan ng ibang tao ay hindi kailanman naging makatarungan. Marami sa mga nagiging biktima nito ang bumababa ang kumpyansa sa sarili at nakakaranas ng depresyon.
Sabi nga ni Angel, “Hindi naman masusukat noon kung sino ako. Mabuti nang chubby kaysa ugly.”
Kaya sa mga nakakaranas ng body shaming, manatili lang nakataas ang inyong noo. Maganda ka kahit ano pa ang iyong timbang.
The post Bwelta ni Ella Cruz sa mga body shamers: Every body is a bikini body appeared first on Bandera.
0 Comments