“BUTI na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan.”
Bahagi yan ng naging pahayag ng actress-TV host na si Angel Locsin tungkol sa naranasang body shaming nang madagdagan ang kanyang timbang nitong nga nagdaang buwan.
Isa si Angel sa mga local celebrities na talagang nilait at inokray ng mga bashers sa social media dahil sa kanyang katawan, lalo na noong mag-viral ang kanyang mga litrato na kuha sa taping ng public service program niyang “Iba Yan.”
Marami ang nagulat dahil hindi nila in-expect na magge-gain ng ganu’ng timbang ang aktres ngayong panahon ng pandemya. May mga nang-okray sa dalaga pero mas marami ang nagtanggol sa kanya.
Naging kontrobersyal pa nga ang learning module na ginagamit sa isang eskwelahan sa Occidental Mindoro dahil sa pamba-body shame sa fiancée ng film producer na si Neil Arce.
Sa lahat ng mga natanggap niyang hate comments, nanatiling tahimik si Angel at wala siyang pinatulan sa mga ito. Mas nag-focus pa rin siya sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
Sa isang panayam sa aktres, nagpaliwanag siya kung bakit hindi niya sinasagot ang panglalait ng mga haters sa kanyang katawan.
“Hindi ako nagsasalita kasi, parang ano ang sasabihin ko, iyon yung opinyon nila sa sarili ko? Totoo naman, mataba naman talaga ako,” pahayag ni Angel. “Pero di naman masusukat nu’n kung sino ako.”
Pahayag pa niya sa YouTube channel na Over A Glass or Two, “Totoo nga, ‘no? Ang dami nilang opinyon tungkol sa sarili ko. I cannot control how other people think, pero hindi yun sukatan kung mababawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko.”
“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan.
“Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin.
“Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, really grateful,” diretsahan pang sabi ng aktres.
Ayon sa loyal Kapamilya star, “I’m a work in progress. Kung hindi kayo natutuwa sa sarili ko, well, I’m sorry to hear that.
“But natutuwa pa naman ako sa sarili ko and I know ang kaya kong ibigay. And tanggap ko, I’m a work in progress.
“Alam ko naman ‘yon, e. Lahat naman tayo. Maganda ‘yon because there is room for improvement, di ba?” sabi pa ng tinaguriang real life Darna.
Tungkol naman sa kanyang weight loss journey, “For my health talaga. For my health lang talaga.”
Naikuwento ng dalaga na sobrang taas daw ng blood pressure at nalaman daw niya ito noong magpabakuna siya kontra COVID-19, “Nakikita natin yung blood pressure natin. So, yung sa akin mataas, mataas siya.
“Kaya kailangan ko siyang pagtuunan ng pansin. It’s not really for vanity. Siguro bonus na lang din ‘yon.
“Pero hinahabol natin yung importante, yung health, di ba? Alagaan natin sarili natin,” sabi pa niya.
Nagbigay din siya ng paalala sa lahat ng gusto ring mag-diet o sumailalim sa mga fitness program, “Sa mga gustong mag-diet, gawin niyo para sa sarili niyo, hindi para sa ibang tao, ha? Para sa inyo.
“Kasi, kahit anumang weight natin, kahit anong hitsura natin, you’re perfect, you’re you, you’re unique. Own it. We’re human. Tao lang tayo.
“Hindi naman tayo yung mga nasa magazines na dini-dictate ng society sa atin. Na yun perfect, yun ang maganda,” pahayag pa ni Darna.
The post Angel sa bashers: Totoo naman, mataba talaga ako, pero di naman masusukat nu’n kung sino ako appeared first on Bandera.
0 Comments