Ano kayang masasabi ng mga direktor na inalok mag-direk ng “My Amanda” na kasalukuyang number 1 ngayon sa Netflix Philippines, #1 din sa Singapore, UAE, Qatar, top 10 sa Saudi Arabia at trending sa Canada? Sa live interview nina Alessandra de Rossi at Piolo Pascual kay MJ Marfori ng TV5 ay nakuwento ng aktres na may mga inalok silang mag-direk ng “My Amanda” na siya mismo ang sumulat.
Kaya lang may mga hindi napagkasunduan sa treatment ng pelikula na ayon kay Alex ay ayaw niyang may mababago sa script, gusto niya as is, walang dagdag o bawas.
“Maraming gusto, maraming hindi ganito, may dapat ayusin o baguhin kaya sabi ko, ‘ako na! ako na lang magdi-direk nitong “My Amanda”, ako na!’” paliwanag ng aktres kay MJ.
Kaya nu’ng nag-final say na ang production na si Alessandra ang magdi-direk ay tinanong na raw si Piolo Pascual kung okay sa kanya na ang aktres ang magdi-direk.
“Nagulat ako, napa-oo ako. Nagkagulatan gano’n, sabi ko ‘okay-okay’ ha, haha,” ito ang sagot ni Piolo nang i-alok daw sa kanya.
Hirit ng aktres, “sabi niya, ‘oo baka magtampo si Alex, grabe pa namang magtampo ‘yan!”
Dagdag pa ni PJ, “umiiyak pa naman ‘to, ha, haha,”
Sabi pa ng dalaga, “of course alam ko naman di ba ‘yung “Kita Kita” alam ko namang ikaw ang nag-produce no’n Piolo!”
Nahirapan ba o na-challenge si Alex sa first directorial job niya?
“May 9 days kami sa La Union pag-uwi namin, tatlong beses akong na-ospital, dalawang na-confine tapos isang emergency room pero walang makita, stress lang daw, I guess dahil sa 9 days na ‘yun na siyempre ngayon mo lang nae-experience for the first time lahat, eh.
“Yung ah puwede palang mangyari ito, o ito paano ‘to, paano ko kukunan ‘to, o ganito umuulan, si Piolo may cut-off! Nagte-take ka tapos,”kuwento ni direk Alessadra.
Hirit ni Piolo, “kapal ng mukha mo, wala akong cut off!”
“1 o’clock kaya ang cut-off mo? Tigilan mo ako, ‘wag tayong magpanggap dito, producer siya!” mataas ang boses na sabi ni Alessandra.
Sa pagpapatuloy ng dalaga, “walang kang karapatan (sabi kay PJ)
“So minsan magpre-preview ka ng scene kasi minsan wala ka naman sa monitor iniisip ko na ‘yung next scene ko kung anong gagawin ko kung okay ba itong ginawa ko.
“Sa stress ko, hindi ako umuupo sa buong 9 days, hindi ako makakain, ayun na-ospital si lola (siya),” kuwento ng aktres cum direktor cum producer.
Sa madaling salita walang minutong nakaramdam ng relax o chill si Alessandra kaya na-ospital.
Para kay Piolo ay kumusta naman si Alessandra bilang direktor niya?
“There was never a moment that I doubt it, her choices of shots because she was guided properly,” saad ng aktor.
Nakuwento pa na lahat ng nangyari sa set tulad ng sinasabing umuulan sa set ay hindi halatang gawa ng isang first timer director ang kabuuan ng pelikula.
“In totality ‘yun nga, eh that’s one thing that people don’t know about Alessandra she takes on so many things and she doesn’t talk about it kaya nao-ospital siya, nagkaroon siya ng problema sa health niya as much as possible, she makes it light for everyone and you can see it in this film.
“Upon seeing it again you know for the nth time, I was really appreciative of the kind of sincerity that she showed. You know how was she uncensored, you know when she wrote the script such a chameleon.
“People find her to be kikay, straightforward but in this film, you can attest to it, she showed her true self which is very satisfying for me, it was easy,” paglalarawan ni Piolo sa kanyang bagong direktor.
At dahil marami na ang nakapanood nito sa ibang bansa at hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ito lalo na raw sana kung bukas ang mga sinehan ay malamang na box office ito katulad ng “Kita Kita” na posibleng humakot din ito ng awards mula sa iba’t ibang international film festival.
Tawa naman nang tawa ang dalawang bida ng “My Amanda” sa mga papuring narinig nila.
Ano ang next project ng Piolo-Alessandra tandem?
Dito naikuwento ng aktor na paalis nga ang kanyang leading lady patungong Paris para sa “Walang kaParis” movie na isa rin siya sa producer for Spring Films.
“She’s going straight to Paris, follow up film with Empoy, same team ng Kita Kita with Sig (direk Sigrid Bernardo) and yeah we shot in Baguio (40%) already (for) the first few parts,” say ni Papa P.
Hirit ni Alex, “Producer na naman siya ulit.”
“I think it’s such a blessing that Netflix took us on and because of that nagkaroon kami ng lakas ng loob actually to produce more films considering the pandemic because of their trust, so, we are now more encourage to come up (with) concepts.
“Like now, before, Alessandra didn’t want to direct anymore, sabi niya this (is) one-time big time but now she’s considering it. You know, seeing all the reviews and upon watching the film again now, she’s okay, she feels better. Hindi na siya magkakasakit,” pahayag ni Piolo.
Hmm, nasulat namin dito sa Bandera na ‘puwedeng isa pa’ at kinonsider nga ito ng aktres cum director at producer, yes co-producer siya ng Spring Films.
Biglang naalala ni Alex na inoobserbahan pala siya ng leading man niya, “sabi niya, ‘I’ve been observing you for 11 days, you’re so nice at hindi ka nagalit kahit isang beses’ (sa lahat kasama production).”
“Yes, pa-seizure na nga siya, eh, ha, haha,” tumawang sabi ng aktor.
Kaya naman pala na-ospital kasi kinimkim ang lahat ng emosyon kaya pagkatapos ng pelikula, sumabog. Sana sa next film, hindi bawal magalit para hindi na ospital ang bagsak mo, Alessandra.
The post Alessandra tatlong beses naospital pagkatapos ng “My Amanda”: ‘Walang makita, stress lang daw’ appeared first on Bandera.
0 Comments