Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Aiko Melendez ‘ang bababeng walang pahinga’


Ang “babaeng walang pahinga” ang drama ngayon ng aktres na si Aiko Melendez.

Bukod kasi sa pag-iikot sa mga barangay ng Distrito 5 ng Quezon City ay sinasamahan din niya ang kanyang boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun na nag-iikot din dahil kakandidatong congressman sa nasabing bayan.

Sa madaling salita ay parehong congress ang papasukin nina VG Jay at Aiko at magandang tandem ito dahil magkakatulungan sila sa isa’t isa pagdating sa mga ipapasa at ipatutupad na batas kahit magkaiba sila ng bayan.

Anyway, masipag si Aiko sa paglilibot sa Distrito 5 dahil umabot na siya sa 15 Barangays simula nu’ng i-anunsyo niya ang pagbabalik niya sa politika.

Nakikita namin sa kanyang mga post na namamahagi siya ng mga wheel chairs, nebulizers at oxygen tanks sa mga maysakit.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay ka-chat namin ang aktres na kasalukuyan din siyang may virtual mediacon para sa second season ng “Prima Donnas” sa GMA7 na ipinagpapasalamat namin dahil sinasagot niya kami kahit nakasalang siya sa Zoom.

Sa tanong namin kung kumusta ang feedback ng mg kadistrito niya na matagal siyang hindi nakita, natutuwa naman daw siya dahil naroon pa naman daw hanggang ngayn ang mga ito.

“Maganda ang feedback, Ate, sa akin ng tao. Na-miss nila ako makita kasi yan ang district na serve ko dati for 9 years kaya andun pa din ‘yung mga tao na na-help ko dati and umaasa silang lahat na ipagpatuloy ko ‘yun,” kuwento ni Aiko.

Inalam namin kung ilang wheelchairs, nebulizers, oxygen tanks na ang nabigay niya sa 15 barangays at hindi pa raw ito tapos.

“15 barangays na ang nabigyan ko at naikutan ko, Ate. ‘Di ko na mabilang ilan ang nabigyan ko kasi me mga gamot pa, ‘yung mga ask nga sa akin ng help di lang taga-QC pati Laguna, Mindanao ay may natulungan tayo,” pahayag pa.

Saksi kami kung gaano ka-matulungin si Aiko dahil marami kaming kaibigan na nabigyan niya ng tulong sa unang bugso palang ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon at partida wala siyang trabaho that time.

Kaya maraming bumabalik na blessings sa aktres dahil marami siyang napapasaya at natutulungan.

The post Aiko Melendez ‘ang bababeng walang pahinga’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments