Winter nang mag-propose si Miguel kay Yam sa Niseko, Japan noong Dis. 31, 2018 base na rin sa post ng aktres sa kanyang Instagram account kagabi.
Ang caption ni Yam sa mga larawan nila ni Miguel habangvsa gitna ng snow na may mga disenyo na talagang pinaghandaan ng binata, “A thousand cranes YES (ring emoji) @mrcuu, 12.31.18 11:59pm #747.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay almost 100,000 na ang nag-like sa post ng aktres at mahigit 1.5k naman ang nagkomento ay bumati sa engaged couple.
“My better half” na ang tawag ni Miguel sa kanyang fiancée, “Now that my better half @yamconcepcion has made the call, time for me to join in the long-delayed celebration I’ll start with just how hard it was to keep this a secret for so long.
“I’ve wanted few things more than to be able to yell this as loud as I can using every means I have! Thank you firstly to Ced Concepcion and Bebs Concepcion for granting permission, and to the ocean of close friends and family who helped make this all possible.
“The Japanese legend of the senbazuru notes that the gods will grant one wish to anyone who folds 1000 paper cranes, but Yam Concepcion is so special to so many, I only felt it was right to make sure those closest to us approved of my wish as well.
Joshua Smith, Josh C, Sagheer Adnaan, Andrew Carter Charles Dauvergne, Mansi Babyloni, Kate Ziser, Ben Ziser Mike McLaughlin, Gaby Leon, Jennifer May Cardiff, Dima Rebeiz, Katrina Zarate, Dan Hansfield, Op Matti, Dane Go Barracoso,Ken Barracoso, Nicole CuUnjieng Aboitiz, Enrique CuUnjieng, Xavi Del Rosario, Niko Lorenzo Peralta, Kamille Ocampo, my entire family, Junji Romero, all of Yam’s amazing family and friends, my wonderful former colleagues at Ceres and Wells Fargo, and anyone I may have missed that helped fold, cut, and pack cranes for this joyous day.
“I’ll note we hit over 2,000 cranes, so on New Years 2018 into 2019…I asked her twice for good measure you are my only wish, and if granted two wishes you are also my second.
“I’ve loved you more each day since this magical one in Niseko, and I promise to give you my 100% for our forever to go #loml #TheDeadliest #toofm I thank the universe everyday you said yes, and will never know how I got so lucky,” mahabang payahag ng fiancé ni Yam.
Ang tanong bakit nga ba natagalan bago inamin ng aktres ang tungkol sa engagement? “E, kasi at that time may mga projects pa, may mga ginagawa siya, so hold muna,” pahayag sa amin ng kampo ng aktres.
May kontrata pa si Yam sa Viva Artists Agency at hindi naman pinigilan ang aktres sa plano nitong pag-aasawa.
“Dinala at ipinakilala ni Yam si Miguel kina Boss Vic (del Rosario) at approved naman sila kay Miguel,” sagot sa amin.
Kasalukuyang nasa New York City si Yam kasama ang fur baby niyang si Tiny at kaya pala namimili na sila ni Miguel ng mga gamit sa bahay base sa vlog niya sa YouTube ay dahil nagsisimula na sila sa bagong yugto ng kanilang buhay.
Sa tanong namin kung babalik pa ba ng Pilipinas si Yam dahil nga sa Amerika sila ikakasal, ang sabi ng kampo ng dalaga, “Medyo matagal pa (bumalik). Pag maganda ang project babalik. Okay lang din naman kay Miguel pag gusto ni Yam mag-work, very supportive siya kaya na kay Yam na kung gusto pa niyang mag-work o hindi na.”
Sa kasalukuyan ay ini-enjoy daw ngayon ni Yam ang pag-aayos ng condo unit nila ni Miguel. “She’s the expert,” ang sabi raw ni Miguel kay Yam dahil ang dalaga nga ang in-charge sa interior nito.Sagot naman ni Yam na nasa vlog niya, “I’m not an expert, I just know what I want.”
As of this writing ay wala pang sinabi sa amin ang kampo ni Yam kung kailan talaga magaganap ang wedding.
The post Yam Concepcion matagal nang engaged sa non-showbiz BF; sa US magpapakasal at titira appeared first on Bandera.
0 Comments