SIGURADONG hindi papasa ang mga nakakaloka at nakaka-shock na eksena sa pelikulang “A Girl + A Guy” sakaling dumaan ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Yan ay base na rin sa pag-amin ng direktor na si Erik Matti hinggil sa tema at konsepto ng kanyang bagong obra habang ikinukuwento ang mga hubarang eksena at sex scene na ginawa ng matatapang niyang mga artista.
Mismong ang veteran director na ang nagsabi na ang “A Girl + A Guy” na siguro ang pinakamatapang at pinakamapangahas na pelikulang nagawa niya.
Bukod sa walang patumanggang sex scene, naghubo’t hubad din dito ang mga baguhang artistang sina Rob Gomez (anak ng dating aktres na si Kate Gomez na kapatid ni Gary Estrada), Alexa Miro, Candice Ramos, Sarah Holmes, Emilio Francisco at Rosh Barman.
Sa virtual mediacon ng movie kamakailan, sinabi ni Direk Erik na hindi na siya magugulat kung umalma ang mga moralista sa pelikula, pero aniya, may mga rason kung bakit kailangang isama niya ang mga mapangahas na eksena.
“Big fan ako ng romantic movies, but where it came from, why I wanted to tell the story is because I’ve seen a lot of romantic movies that were made and it tend to sugarcoat the kind of generation we have now.
“Parang lahat ng artista natin, parang hindi pa pwedeng mag-kiss, di ba? Ang KathNiel, hindi pwedeng mag-kiss.
“Pero kapag nakita mo yung totoong buhay ng generation ngayon, kissing is no longer an issue. You don’t wait to get married to stick your tongue into somebody else’s mouth, even the new generation now,” paliwanag ng lmatapang na direktor.
Samantala, tumanggi naman si Direk Erik at ang lead star ng pelikula na si Alexa Miro na banggitin ang name ng aktor na walang arteng pumayag na i-close-up ang kanyang pagkalalaki sa isang eksena “A Girl + A Guy.”
“Sinabi ko talaga that’s what I need for the scene. If the actor said no, then I would have just gone on to the next actor and found someone who would do that,” ani Direk Erik.
“But I think again, if you look at the context of the scene kung gaano siya ka-graphic, I think you would also react na parang gulat na gulat, because that’s what I really want na reaction from everybody who’s gonna see it because it comes into a scene where you least expect it.
“With the music that I put there, mas lalo mo pang hindi ie-expect na may tatambad na ganoong eroplano sa eksena, ganoon katulis na eroplano sa mukha ni Alexa Miro,” sabi pa niya.
Sumang-ayon naman sa kanya si Alexa na gulat na gulat din sa ginawa ng kaeksena niyang aktor kahit pa may idea na siya sa mangyayari, “Yung naramdaman ko sa film, yun ang mararamdaman ng audience for sure.
“Hindi po siya titillating scene. Nagulat po ako kahit alam ko yung mangyayari. Parang nakailang take po ako dahil sa sobrang gulat ko kasi talagang…” ang pabitin pang sabi ng baguhang aktres.
Hirit pa ni Direk Erik, “Kapag nakita niyo lahat ng nudity na ‘yan, not just with people, but nudity with animals as well that you’re gonna see in the movie, maiisip mo kung gaano siya katapang, and it’s to frame this generation in a certain way.”
Mapapanood na ang “A Girl + A Guy” mula sa UPSTREAM Original simula sa June 24.
The post Walang patumanggang hubaran, sex scene sa ‘A Girl + A Guy’ hindi papasa sa MTRCB, pero… appeared first on Bandera.
0 Comments