BUONG tapang na ibinahagi ng bokalista ng bandang The Juans na si Carl Guevarra ang pakikipaglaban niya sa alopecia areata — ito ay isang autoimmune disorder na nagreresulta sa paglalagas ng buhok.
Ipinost ng singer sa kanyang Twitter account ang isang litrato kung saan makikita ang nakalbong bahagi ng kanyang ulo habang tinuturukan siya ng steroids.
Sa caption, sinabi ni Carl na wala pa talagang gamot para sa nasabing health condition at maraming dahilan kung bakit nagti-trigger ito sa isang tao.
“ALOPECIA AREATA is an autoimmune condition where my immune system attacks my own hair follicles.
“Several factors affect it and there is no known cure apart from anti-inflammatory modulators through steroids. Im posting this to raise awareness & remove the stigma around it,” simulang pagbabahagi ni Carl sa kanyang mga tagasuporta at social media followers.
Sa sumunod niyang post, nabanggit nga ng binata kung gaano katindi ang psychological trauma na kailangan niyang paglabanan para hindi masyadong maapektuhan ang kanyang mental health.
Pahayag pa ni Carl, “No one probably loves bald patches, but you are lovable even with these patches. My hair is a part of who I am but it does not define my worth.
“More than the physical effect, the mental exhaustion and psychological trauma greatly affects patients with this condition.
“For we do not know when it will appear or go away. So please be kind to those who are going through it,” aniya pa.
Ibinahagi rin niya sa mga netizens ang ilan niyang litrato na kuha noong 2016 at 2020 kung saan kitang-kita ang patse-patseng bahagi ng kanyang ulo.
Sabi pa niya sa caption, “Not only are injections painful, the overall treatment (creams, topical meds, diet requirements) are hella expensive.
“So with that, prayers and kindness will be very much appreciated,” mensahe pa ni Carl.
Sa huling bahagi ng kanyang Twitter post, sinabi niyang patuloy siyang lalaban at never magpapatalo sa kanyang kundisyon. Naniniwala ang binatang singer na darating ang araw na gagaling din siya.
“I will let you know guys once im fully healed. But regardless, life goes on, I’m going to keep doing what God has called me to do.
“If you have alopecia areata, I see you, I feel you, you’re not alone, and we hope together for healing!” paalala pa niya sa mga tulad niyang may kaparehong health condition.
The post Vocalist ng The Juans lumalaban sa alopecia: Sa lahat ng meron nito, I see you, I feel you, you’re not alone… appeared first on Bandera.
0 Comments