KUNG may isang advice na talagang nagmarka kay Darren Espanto noong nagsisimula pa lamang siya bilang contestant sa “The Voice Kids”, yan ay walang iba kundi ang “pabaon” sa kanya ni Sarah Geronimo.
Si Sarah ang naging coach ng Kapamilya young singer-actor sa “The Voice Kids” noong 13 years old pa lamang siya at aminado si Darren na napakarami niyang natutunan sa Popstar Royalty na hanggang ngayon ay talagang tine-treasure niya.
Ayon sa binata, napakalaki ng impluwensiya sa kanya ni Sarah pagdating sa pagpe-perform at pagmamahal sa pinili niyang career.
At kung may isang payo raw sa kanya si Coach Sarah na hinding-hindi niya makakalimutan, yan ay ang pagiging totoo at sincere sa bawat performance.
“‘Sing from your heart.’ It was a constant reminder that she would tell me throughout the competition,” pahayag ni Darren.
“Bilang isang bata, gigil ka lang talaga kumanta and to show your best in every performance. Pero, ang kulang sa akin that time, of course, since hindi ko naman alam ‘yung karamihan sa meaning ng mga songs na kinakanta ko, talagang kinakanta ko lang,” paliwanag pa niya.
Tandang-tanda pa rin niya ang sinabi sa kanya ng award-winning singer-actress kung gaano kaimportante ang pagkanta mula sa puso at hindi lang basta sa pagkabisado ng lyrics ng piyesa.
“My Ate Coach would tell me to really sing from the heart. ‘Basahin mo ‘yung lyrics, damdamin mo kung ano ang sinasabi ng kanta, para mas mailabas mo ‘yun sa performance mo, at mas maka-relate ‘yung tao sa ‘yo.’ Hanggang ngayon, tumatatak iyon sa akin,” sey pa ni Darren.
Lahad pa ng binata, hindi lang sa pagkanta at pagiging singer ang nag-mature sa kanya ngayon kundi pati na rin ang pagkatao at pananaw niya sa buhay.
“Not just as an artist, but as a person as well, I’ve gone through different experiences in life, and they’ve been able to help me mature as a person,” sabi pa ng Kapamilya star.
The post Darren hinding-hindi makakalimutan ang payo ni Coach Sarah: Tumatak talaga sa akin yun appeared first on Bandera.
0 Comments