GAANO katotoo ang chika na may isang talent management na pinu-push umano ang mga lalaking talent sa malalaswang raket?
‘Yan kasi ang usap-usapan ngayon ng ilang showbiz insiders kaya naman nagtanung-tanong kami sa ilan nating mga source.
Karamihan daw kasi sa mga alagang lalaki ng talent agency ay may itsura at maganda ang katawan kaya naman ang tsismis ito ang ginawang pambenta para makakuha sila ng mga “clients.”
Ang drama raw, ipinakikilala sa mga mayayaman at maiimpluwensyang beki ang mga binata. Swerte kung ang ibang bading ay taga-industriya kaya kahit paano’y nabibigyan sila ng exposure.
Kwento pa ng source, nakita n’ya raw sa isang sikat na farm resort ang dalawang young actors na kasama ang isang beki na ipinakilala sa kanila ng isang talent manager.
Dahil taga-industriya naman ang beki, ayun nabigyan naman ng digital series at pelikula ang dalawang male talent.
Kumalat din ang chika na ang management daw ang nasa likod ng malaswang video na ibinebenta sa mga mayayamang beki. Kaloka! Totoo nga kaya ang kalakarang ito?
‘Yan ay bulung-bulungan lamang. Na-curious ang aming source kung totoo nga raw ba ito. Kawawa naman daw kasi ang mga baguhang talent dahil kapag nagkataon, mawawalan ng direksyon ang inaasam nilang showbiz career.
Kung tinutukan lang sana ang pag-arte at personal development ng mga binatang ito, posible naman sigurong makakuha sila ng decent projects.
Pagtatapos pang sey ng source, sana raw ay matauhan ang mga binata dahil marami namang opportunities na naghihintay for them.
Kung totoong boogie wonderland ang nasabing management, nakakaawa ang mga baguhang aktor. Talent sana ang ibenta, hindi ang katawan.
The post True ba, talent agency ibinubugaw ang mga baguhang male actor? appeared first on Bandera.
0 Comments