Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Glaiza naghahanda na sa pag-aasawa: Kailangan ko nang maging financially independent

SA loob ng maraming taon, ang nanay ni Glaiza de Castro ang nagma-manage ng lahat ng kinikita niya sa pag-aartista at iba pang karaketan sa showbiz.

Ito ang dahilan kung bakit medyo nakakaramdam ng takot ang Kapuso singer-actress ngayong malapit na siyang magpakasal sa kanyang Irish fiancé na si David Rainey.

Ayon kay Glaiza, mula noong magsimula siyang magtrabaho sa showbiz sa murang edad ang kanyang nanay na ang humahawak ng lahat ng pera niya, as in talagang hindi niya ito pinakikiaalaman.

Kaya naman, magiging malaking challenge para sa kanya ang mag-manage sa kanyang finances kapag nagsama na sila ni David bilang mag-asawa.

“Ngayon 100 percent ako na ‘yung may hawak no’n at bilang nanay, nasanay s’ya na gano’n ‘yung setup namin.

“Kumbaga, malaking struggle ‘yun para sa akin at sa kanya din kung paano namin yayakapin ‘yun, ‘yung panibagong chapter ng buhay namin.

“Kasi, sabi ko, paano ako matututo kung hindi ako hahayaan tulad ng pagba-budget sa lahat. Siya lahat ‘yun dati, e, ‘yung pagbabayad sa mga loans, pagbabayad sa mga utility, mga credit cards, wala akong iniintindi at all,” pahayag ni Glaiza sa podcast na “What Glass Ceiling?”

Patuloy pa niyang chika, “Sa totoo lang, ang sarap isipin na nanay ko lahat gumagawa niyan. Kumbaga, magtatrabaho ka lang, ito na ‘yung funds mo, ‘di ba?

“Pero masaya ako noong time na ‘yun, ibinigay ko sa kanya kasi ‘di talaga ‘ko marunong mag-handle, so matagal-tagal bago kami ni nanay naging komportable sa ganoong sitwasyon.

“Kasi, malaking factor din na kapag magsisimula na kami ng pamilya ni David, meron kaming financial independence. Kumbaga, ‘yun ‘yung pini-figure out namin ngayon,” esplika pa ng leading lady ni Rayver Cruz sa upcoming drama series ng GMA na “Nagbabagang Luha.”

“Personally, gusto ko malaman kung ano ‘yung ginagawa n’ya kasi 33 na ko ngayon bilang babae at magiging nanay ka rin naman in the future, gusto ko malaman kung paano niya ‘yun ginagawa.

“Kapag hindi niya ibinigay ‘yung responsibilidad na ‘yun sa ‘yo, ano na lang gagawin mo, wala kang idea ngayon. Noong time na ‘yun, it was between me and my mother.

“Si David naging way para ma-realize ko na kailangan kong maging financially independent kasi nakikita ko na ‘yung future ko with him so kailangan ko nang maghanda,” lahad pa ng dalaga.

“Isa sa mga natutunan ko kay nanay is to give back so kahit ‘di ako nagha-handle ng pera ko no’ng mga panahon na ‘yun, lagi siyang nag-a-allot ng something at hindi ko ‘yun alam.

“Kumbaga ‘yung pera na pinagtrabahuhan ko, ginagamit n’ya rin pantulong niya sa iba.

“‘Yung pera ko, hindi lang ‘yun para sa akin, para din ‘yun sa ibang tao lalo na sa family ko na tulungan din sila kasi parang instrument ako o daluyan ng blessings para ipamahagi din ‘yun sa iba,” sey pa niya.

Patuloy pa niyang chika, “Hindi ko naman sinasabi na may alam na ko ngayon kasi, honestly, until now, I’m still figuring things out in a way may sense of responsibility na mas mabigat na sa akin na kapag ginawa mo ‘to, ito ‘yung consequences n’yan.

“Tina-try ko pa rin until now mag-prioritize kasi, thankfully, tapos na ko sa ibang binabayaran ko pero ano ‘yung susunod kong tatapusin kasi ‘yun ‘yung malaking factor ‘pag may monthly bills ka, like ‘yung condo ko, until now binabayaran ko so malaki-laki ‘yun.

“May iba pa akong binabayaran na monthly, gusto ko matapos ‘yun so ‘yun ‘yung tina-try kong ayusin sa ngayon kasi kapag natapos ko ‘yung monthly na ‘yun, then mas confident na kong mag-save, mag-invest, at saan ko i-invest ‘yung mga pinagpaguran kong ‘yun,” sey pa ng aktres.

The post Glaiza naghahanda na sa pag-aasawa: Kailangan ko nang maging financially independent appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments