MUKHANG aabutin pa hanggang Hunyo sa Amerika si Sharon Cuneta dahil hihintayin na niya roon ang second dose ng kanyang Moderna vaccine.
Nu’ng isang araw lang ay naturukan na ng first dose ng COVID-19 vaccine ang Megastar na ipinost naman niya sa kanyang Instagram kaya marami ang bumati sa kanya.
Nitong Martes ng gabi ay ipinost ni Sharon ang view sa kanyang tinutuluyan na kita ang kabundukan kung saan matatagpuan ang Hollywood sign na landmark at cultural icon sa Hollywood, Los Angeles, California.
Naikuwento rin ni Sharon na bet niyang tumira sa Amerika pati na ang bunsong anak na si Miguel pero sina Miel at Frankie ay gusto lang doon mag-aral at pagkatapos ay babalik din ng Pilipinas dahil mana sila sa tatay nilang si Sen. Kiko Pangilinan na makabayan.
Kuwento ni Shawie sa kanyang post, “My gosh. Being here makes it seem like COVID is a lot farther away than it ever was.
“I love the weather now (it’s cold), and aside from seeing people wearing masks and not being able to watch movies at cinemas, eating at restaurants tables apart, it almost feels like life is normal again. I love being ‘home’ here.
“Though I lived in Boston for a year++ and love New York, the West Coast has always felt like home to me since I was a little girl. I could live here forever. Kiko would NEVER leave the Philippines no matter what though. I could. In a heartbeat! Sorry na lang life is short.
“Kakie will continue her studies in New York this year, God-willing. Miel will probably follow in a couple of years. Though these two daughters of mine are just as Nationalistic as their father.
“My Miguel however, wants to live here with me. KC got her green card long before I did. Patay at iba-iba kami! Ngek,” pahayag pa ng Megastar.
* * *
Muling paiinitin nina Kim Molina at Kit Thompson ang summer ng iWantTFC subscribers dahil napapanood ngayon nang libre ang hit original movie nilang “MOMOL Nights,” dalawang taon matapos itong unang ipalabas.
Siguradong makaka-relate ang viewers sa sexy romantic comedy na ito tungkol sa modern dating at no-strings-attached na mga relasyon. Pumatok sa millennials at viewers ang “MOMOL Nights” nang ipalabas ito noong 2019 dahil sa relatable na kwento, nakakatawang mga banat, at mga aral sa pag-ibig na ibinahagi nito, kaya naman naging isa sa most watched movies ito sa iWantTFC, na noo’y iWant.
Susundan nito si Peng (Kim), na makikipag- MOMOL (“make out make out lang”) para maka-move on sa ex-boyfriend niya at si Marco (Kit), isang misteryosong lalaking ayaw sa relasyon.
Matapos magkakilala, mag-uumpisa sa MOMOL hanggang sa maging one-night stand ang mamamagitan sa kanila. Pero magiging kumplikado ang lahat dahil aaming may feelings ang isa sa kanila.
Bukod sa “MOMOL Nights,” makakakuha rin ng good vibes sa mga libreng pelikula sa iWantTFC, gaya ng “Kung Ayaw Mo, Huwag Mo” nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at ang barkada movie na “Gimik The Reunion.”
Pwede namang balik-balikan ng standard at premium subscribers sa buong mundo ang movies na “Four Sisters and A Wedding” at “Just The Way You Are” nina Liza Soberano at Enrique Gil, at ang kumpletong episodes ng ABS-CBN teleseryes na “On the Wings of Love,” “Be Careful With My Heart,” “Oh My G,” “Got to Believe,” at “My Dear Heart.”
Ma-feel good sa panonood ng mga ito sa home of Filipino stories, ang iWantTFC, na available sa app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).
The post Sharon enjoy na enjoy sa US: I could live here forever… appeared first on Bandera.
0 Comments