Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ilang taga-ABS-CBN na-shock sa ‘ending mode’ hugot ni Angel sa ‘Probinsyano’

TAKANG-TAKA ang kausap naming taga-ABS-CBN sa naging pahayag ni Angel Aquino na nasa “ultimate last lock-in” at nasa “ending mode” na sila sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Sinabi ito ng aktres sa panayam sa kanya ni G3 San Diego kasama sina Cheska Kramer at Iya Villania na in-upload sa YouTube kamakailan.

Bagama’t ipinaliwanag naman ni Angel na hindi pa niya alam kung kailan magtatapos ang aksyon serye ni Coco Martin pero magkakaroon nga sila ng ultimate last lock-in taping kaya naka-ending mode na silang lahat.

Kung iaanalisa ang pahayag na ito ni Angel ay posible naman talagang tapusin na ang serye ni Coco Martin dahil natsugi na ang mga partners in crime ng karakter ni Richard Gutierrez sa pangunguna ni Bubbles Paraiso.

At base sa takbo ng kuwento ay mukhang maliligpit na rin si Michael de Mesa kapag hindi siya nakatakas dahil bihag na siya ng mga tauhan ni Lito (Richard).

Ayon naman sa nakatsikahan naming taga-Dos ay wala pang sinasabi kung kailan magwawakas ang “Ang Probinsyano” na mag-aanim na taon na sa darating na Setyembre.

Kaya naman nagkagulatan daw ang lahat nang mabasa nila sa social media ang mga sinabi ni Angel na gumaganap na General Diana Olegario.

“Siyempre ang tao malilito kasi nabasa nila ending mode na kahit na sinabing wala pang announcement kung kailan, sasabihin pa rin (ng mga tao) patapos na,” ang sabi sa amin ng source.

Parang gustong tukuyin ng aming kausap na baka kasi makaapekto ito sa mga papasok pang sponsors na iisiping patapos na pala ang serye kaya bakit kailangan pa nilang mag-place ng ads?

Dapat daw hindi ito sinasabi ng kahit sinong involved sa programa dahil wala namang go signal pa kung kailan talaga matatapos.

Pero base nga sa takbo ng kuwento ay may mga bagong pasok uling karakter tulad nina Christian Vasquez at Cristina Gonzales bilang magulang ni Jane de Leon na gumaganap bilang Lia Mante bukod pa kay Simon Ibarra na ama naman ni Bubbles.

Sa madaling salita, mahaba-baha pa ang itatakbo ng kuwento ng serye ni Cardo Dalisay at baka nga magkagusto pa sa kanya ang karakter ni si Jane na si Lia.

Anyway, napapanood ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa TV5, A2Z Channel, Kapamilya Channel at Cinemo.

The post Ilang taga-ABS-CBN na-shock sa ‘ending mode’ hugot ni Angel sa ‘Probinsyano’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments