MARAMING humanga at natuwa kay Matteo Guidicelli nang batiin niya ngayong Mother’s Day ang kanyang mother-in-law na si Mommy Divine Geronimo.
Mukhang unti-unti na ngang lumalambot ang puso ng nanay ni Sarah Geronimo para sa asawa ng kanyang anak dahil na rin sa effort nito para matanggap siya ng pamilya ng Popstar Royalty.
Alam naman ng madlang pipol na kontrang-kontra noon si Mommy Divine sa relasyon nina Sarah at Matteo pati na sa pagpapakasal ng mga ito.
Naging kontrobersyal pa nga ang secret wedding ng AshMaty dahil sa pagsugod doon ng mommy ni Sarah matapos ilihim sa kanya ang magaganap na kasalan.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Matteo ng cooking video para sa isa niyang product endorsement. Dito, nagluto siya ng pesto pasta na perfect gift daw para sa mga nanay ngayong Mother’s Day.
Sa inilagay niyang caption, binati nga ng singer-actor ang kanyang inang si Glenna Guidicelli at ang nanay ni Sarah na si Mommy Divine na talagang ikinatuwa ng mga netizens.
Sey ni Matteo, “A special treat for our mama!
“It’s not always easy to find the right way to express our feelings, but sometimes, a simple gesture like preparing a plate of pasta can truly become the best one.
“Spread your appreciation to your moms and make it extra special with @barilla!
“Happy Mother’s Day to my mama Glenna and mommy Divine,” aniya pa sa caption gamit ang hashtag na #ASignOfLove.
Pinusuan at ni-like ng libu-libo niyang IG followers ang kanyang post kabilang na riyan ang ilang celebrities tulad ni Ogie Alcasid.
Nag-react ang singer-songwriter sa pamamagitan ng dalawang pares ng raise hands emoji bilang paghanga at pagsuporta sa pagpapakumbaba kay Mommy Divine. Close si Ogie at ang misis nitong si Regine Velasquez kina Matteo at Sarah.
Inulan naman ng heart emojis mula sa netizens ang greeting ni Matteo para sa nanay ni Sarah kasabay ng kanilang wish na sana’y tuluyan nang magkasundo ang dalawa.
Kung matatandaan, sa isang panayam sinabi ni Matteo na patuloy siyang umaasa na darating din ang tamang panahon na magkakaayos din ang kanyang pamilya at pamilya ni Sarah.
“Oh, my gosh, I imagine it all the time. I imagine it all the time. Not just for me but, obviously, of course, primarily for my wife. But also for my family, my parents.
“I believe our parents raised us up and worked so hard for us that, one day, they could marry a woman and man, and two families combined, di ba, having a drink together and pasta together.
“I think that’s our family’s dream. One day, one day it will happen,” positibo pang pananaw ni Matteo.
The post Matteo hinangaan ng netizens sa Mother’s Day message para kay Mommy Divine appeared first on Bandera.
0 Comments