ENGAGED na uli ang TV host-comedienne na si Gladys Guevarra sa bago niyang boyfriend na si Mike Navarette.
Ibinandera ng komedyana at businesswoman ang bonggang good news sa kanyang Instagram page kahapon na ikinatuwa naman ng kanyang fans at social media followers.
Ipinost ni Gladys ang photo nila ng kanyang fiancé na may caption na, “Fairytales do really happen…And then, he asks me if i will marry him.
“Yes, I will marry you Mahal! I love you Mike!” sabi pa niya gamit ang mga hashtag na #michaelandgladys, #4G, #g12ubbt, #relationshipgoals, #thisisit, #willyoumarryme, #2021at #bride”.
Unang ipinakilala ng singer-comedienne si Mike sa publiko noong April at tinawag pa niya ito bilang “guardian.”
“I think I’m now ready . . . I now have my GUARDIAN,” aniya sa caption ng sweet photos nila ng kanyang future husband.
Bago niya nakilala si Mike, naging kontrobersyal muna ang break-up nila ng ex-dyowa niyang si Leon Sumagui matapos mag-away dahil sa pera.
Engaged na rin ang dalawa ngunit biglang naghiwalay nang dahil nga sa nasabing issue. Nag-Facebook Live pa noon si Gladys para ipaalam sa publiko ang tunay na dahilan ng kanilang matinding away.
In fairness ha, ang bilis ding maka-move on ng komedyana dahil ilang buwan lang matapos ang last relationship niya ay nakahanap na agad siya ng bagong mamahalin at engaged na nga.
“I have come to realize that life must really continue. And that you are loved. And no matter how you felt once upon a time that you are worthless, there will still be someone out there looking for you to complete them.
“Ang happy kase, we both complete each other. Ang tagal kong pinigilan ang sarili ko, kinalaban ko ang loob ko. Pero sabi nga, hayaan lang and let it flow,” ang lovelife hugot pa ni Gladys.
The post Gladys Guevarra engaged na uli sa bagong dyowa: Fairytales do really happen… appeared first on Bandera.
0 Comments