Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janine umaming super fan ni Bela: Napakahusay!

MARAMI sa mga nakapanood ng “Dito at Doon” nina JC Santos at Janine Gutierrez kasama sina Yesh Burce, Victor Anastacio at Lotlot de Leon, mula sa direksyon ni JP Habac, ay humihiling ng part 2 o sequel dahil nabitin daw sila.

Ito rin ang actually ang gustong mangyari ng cast na humarap sa virtual thanksgiving mediacon ng pelikula kasama ang TBA Studios producers na sina Mr. Ting Nebrida at Ms. Daphne Chiu.

Ang lakas nga naman kasi ng chemistry nina Janine at JC sa screen na ikinagulat din daw ng aktor lalo na nang mapanood na niya ang movie.

“Na-enjoy ko ‘yung process habang sinu-shoot namin (ang movie) and I think gets ko na simula nu’n nagre-react si Janine sa lahat ng mga kalokohang ginagawa ko sa eksena.
“I think doon pa lang, ‘okay na magandang tingnan na ‘to.’ So, may ganu’n na ako, visually si direk na ‘yung may (gawa) ano ro’n, na-edit niya ng maayos ‘yung pelikula na tama lahat ng ginagawa namin. And yes (may chemistry),” say ni JC.

Sabi naman ni Janine, “Ako hindi na ako na-surprise kasi naramdaman ko na siya (JC) on set at kinikilig talaga ako. Ha-hahaha! Tapos all the more, lagi naming inaabangan ni JC si direk (JP Habac) kasi habang sinasabi niya ‘yung ‘cut!’ natatawa siya so parang ‘yun ‘yung metro namin kung ‘uy kinilig si direk, uy natawa si direk.’ So nu’ng okay si direk, puwede, puwede (love team).”

At kung sakaling magkakaroon nga ng sequel ay natanong sila kung sino ang nais nilang maging third party o ka-love triangle nina Caloy at Len (karakter nila sa pelikula).

“Oh my God! May sagot ako diyan!  Si Bela Padilla kasi siyempre, JC-Bela, napaka-iconic ng tandem na yan. And fan din ako ni Bela. Napakahusay! And now she’s directing na rin.

“So, parang kung merong kalaban, dapat matindi ’yung kalaban, di ba? So, du’n na ko kay Bela,” suhestiyon ni Janine.

Si Enchong Dee naman ang gusto ni JC na maging second leading man ni Janine sakaling magkaroon nga ng part 2 ang “Dito at Doon”. Nagkasama na sa pelikulang “Elise” (2019) sina Janine at Enchong mula sa Regal Films na idinirek ni Joel Ferrer.

“Ako, si Enchong, gusto ko nandiyan si Enchong. Gusto ko lagi siyang laging nandiyan. I love the guy. I love him.

“Sobrang bait ni Enchong, di ba? Alam mo ’yung tao na sobrang bait? Tapos gusto kitang nandiyan lang gusto kitang ka-kuwentuhan, gusto kong naririnig ’yong mga naiisip niya.

“Saka ang ganda ng mukha ni Enchong. Alam mo ’yon? Parang it brightens up day and then sobrang light lang niya na parang laging walang problema.  Saka magaling umarte,” sabi pa ni JC.

Bakit hindi na lang si Rayver Cruz para makatotohanan, kaya lang tiyak na talo na si JC dahil parang hindi naman magandang panoorin na ‘yung real boyfriend ni Janine ang karibal niya.

Anyway, sana nga matuloy ang sequel ng “Dito at Doon” na sabi naman ni Daphne ay waiting na lang sila sa go signal ng TBA bosses.

Samantala, ang iba pang projects ng TBA Studios ay ang “Quezon”, ang final installment ni Direk Jerrold Tarog na historical trilogy na sisimulan na ang pre-production sa June.

Ang next ay ang international release ng Hollywood action comedy na “The Comeback Trail” na pagbibidahan nina Robert de Niro at Morgan Freeman.

Nandiyan din ang pelikulang “Boundary” nina Ronnie Lazaro at Raymond Bagatsing, mula sa direksyon ni Benito Bautista; ang documentary na “A is for Agustin” ni Grace Simbulan at ang short films na “Life Is What You Make It” ni Jhett Tolentino, “The Interpreter” ni Benito Bautista, at “Angelito” ni Jerrold Tarog.

Umaarangkada rin ang domestic digital platform na Cinema ‘76 @ Home kung saan malapit nang ipalabas ang dark comedy na “Devil Has A Name” at ang award-winning arthouse film na “Show Me What You Got.”

Malapit na ring buksan ang Cinema ’76 café sa Anonas, Quezon City, malapit sa Cinema ’76 microcinema at open for delivery.

TBA Studios is likewise amping up its Youtube channel with a new series “Sing Out Loud” that features indie OPM artists.

The post Janine umaming super fan ni Bela: Napakahusay! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments