Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ivana laging may dalang orinala sa sasakyan: Ayoko kasing nagsi-CR sa labas

“FOR my eyes only na lang itong van na ito kasi hindi ko na nagagamit,” ang sabi ni Ivana Alawi nang i-tour niya sa kanyang luxury van ang kanyang 13 million subscribers sa YouTube.

Kuwento ng aktres, “Ipinagawa ko siguro 4 o 3 years ago kasi para sa taping tapos nagkaroon ng pandemic. This was meant to be my second home para makatulog ako kasi ang taping namin inaabot ng 24 hours, tapos diretso pa sa second location. Kasi minsan nagkakasabay-sabay mga tapings ko (lagare).

“So ako naman si asyumera na akala ko hanggang ngayon may taping kaya nagpagawa ako, so since may pandemic at wala akong taping at takot akong makipaglaplapan sa iba, siguro soon,” aniya pa.

Hindi lumalabas si Ivana kaya hindi rin niya talaga nagagamit ang van kaya gusto lang niyang i-share kung anong laman sa loob nito na talagang ginastusan niya nang todo.

Convertible sa queen size bed ang upuan niya sa likod at pag inangat ay doon nakalagay ang kanyang mga baong pagkain na hindi pa rim niya inaalis.

“Welcome to my sari-sari store so marami ako ritong mga pagkain kasi parati akong gutom, ito, mga tsitsirya, mga pangbarangay na pagkain kasi mahilig ako, pati chocolates. So alam n’yo na pag pupunta kayo sa van ko, alam n’yo na kung saan ang taguan kasi iba-iba ang laman niya everyday,” masayang sabi ni Ivana.

Ang rebelasyon pa ng dalaga, may nakatago siyang asul na orinolang plastic sa sosyal niyang van (sabay pakita), “So kailangan ko lagi ng parang lagayan na maitatago ko, minsan kasi baka matapakan nila (ibang nakasakay) matatapon ang ihi ko baka kasi pagsakay nila at masipa nila, e, di ‘yung ihi ko kumalat.

“Sobrang importante itong orinola kasi nagagamit ko kasi ayaw kong nagsi-CR sa labas kaya hindi ko ikinakahiya ang orinola ko at least hindi ako magkakasakit sa pantog.  Tinatapon ko pag-uwi ko (ng bahay), pa-mine na lang. Ha-hahaha!” tumawang kuwento ng dalaga.

Inilibot ni Ivana ang mga manonood sa loob ng sasakyan niya at itinuro kung paano siya kumakain dito at kumpleto siya sa gamit, pati ang magara niyang ilaw ay nagpapalit-palit ng kulay — may dilaw, asul, berde, pula at minsan sabay-sabay na bumubukas at kumukutikutitap pa na akala namin ay voice control.

“Starlight party-party in the club. O di ba, party-party siya at maganda kapag madilim kasi ngayon madilim nakabukas ang mga light kaya hindi ninyo ma-appreciate pero kapag madilim ang ganda niya,  hindi siya voice control, de remote. Uy, nabudol ko kayo ro’n.”

May mga bagong extra shirt din ang dalaga dahil pawisin siya, may mga extra underwear pero walang bra dahil, “Hindi nga kasi ako nagba-bra.”

Nabanggit din ng aktres na wala na siyang balak bumili ng kotse dahil kuntento na siya sa van niya lalo’t hindi naman siya umaalis kaya bakit kailangan niya ng iba pang sasakyan.

Sabi pa ni Ivana, “Parang stocks exchange itong van ko kasi nalugi ako hindi ko na nagagamit pa.  Nabili ko ito bago pa ako mag-vlog.”

The post Ivana laging may dalang orinala sa sasakyan: Ayoko kasing nagsi-CR sa labas appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments