Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isa pang member ng Eraserheads sumang-ayon kay Ely: I’m sorry if I’m breaking hearts…

SA gitna ng pangnenega ng netizens sa frontman ng Eraserheads na si Ely Buendia, nagsalita na rin ang isa pang member ng grupo na si Raymund Marasigan tungkol sa kontrobersyal na kanta nilang “Minsan.” 

Ang alam kasi ng kanilang mga tagasuporta ay tungkol sa pagkakaibigan ng Eraserheads ang nasabing piyesa ngunit binasag nga ito ni Ely matapos umaming walang kinalaman ang hit song nila sa nabuwag nilang banda.

Sabi ni Ely, ang “Minsan” ay tungkol sa mga kaibigan niya noong college kasabay ng pag-amin na never daw naging close friends ang mga miyembro ng Eraserheads na ikinagulat at ikinaimbiyerna nga ng ilan sa kanilang tagasuporta.

“That song is actually about my actual friends, the friends that were with me during my stay at Kalayaan. It wasn’t about the Eraserheads, it was about my friends,” pahayag ng singer-songwriter na ang tinutukoy ay ang Kalayaan Residence Hall sa University of the Philippines Diliman.

Sa kanya namang bagong YouTube vlog, nagsalita na rin ang musikerong si Raymund tungkol sa dati nilang grupo kung saan nakasama rin nila sina Buddy Zabala at Marcus Adoro.

“So he was talking about those guys who I know din. Those are the people he talked about in ‘Minsan.’ I’m sorry if I’m breaking hearts,” sabi ni Raymund kasabay ng pag-amin na hindi talaga sila naging super close noon kahit pa 13 years silang nagkasama. Nabuwag ang Eheads noong 2002.

“In this age of social media, if you check for the past 10 years, 20 years our feeds as individuals, you will easily see who we were hanging out with. It’s not a secret ever since.

“But I consider everybody my friend in the band. And that we are not close, I’m also aware of that,” aniya pa.

Sabi pa niya, may mga cellphone numbers naman sila ng isa’t isa ngunit, “We don’t text each other.”

Patuloy pa niyang paliwanag, “I do respect them, and I think we all wanted to make things work together. We’re just not close. Yes, after the show, we had drinks, celebrate, but that’s it.” 

Kung matatandaan, sinabi naman ni Ely na napakaganda ng pinagsamahan nila bilang banda, “We had a very, very good working relationship. It’s just that I don’t like it when people say that it was the wrong way to go, ‘yung dynamics within the band.”

At dahil nga rito, kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot ng singer mula sa mga fans ng Eraserheads. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato nila sa OPM icon.

Matapang naman silang sinagot ni Ely ng, “Big deal, still? Why hate on people who want to tell the truth? I didn’t ask to be interviewed, nanahimik na nga ko dito eh living a happy life kayo yung makulit about the Eheads. 

“The music is all that matters, have you forgotten about that, and who wrote most of it? Just sayin,” pahayag pa ng dating Eraserheads frontman.

The post Isa pang member ng Eraserheads sumang-ayon kay Ely: I’m sorry if I’m breaking hearts… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments