Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Alice ipinakilala na ang baby sa publiko: Babae po ang anak ko, her name is Aura

IPINAKILALA na ng aktres na si Alice Dixson sa buong universe ang kanyang baby nang mag-guest sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga.”

Isa si Alice sa mga celebrity guests o choices sa “Bawal Judgmental” segment kung saan tampok ang mga first-time moms na unang magdiriwang ng Mother’s Day kasama ang kanilang mga anak.

Sa edad niyang 51 ay nagka-baby nga si Alice sa pamamagitan ng surrogacy, “Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”

Sey ng aktres, ngayong kapiling na niya si Baby Aura, napatunayan niya kung gaano kasaya ang pagiging nanay at sana raw hindi na niya pinaabot ang edad niya sa 50 bago nagdesisyong subukan ang surrogacy.

“It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier. and I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier.

“Pero ito na siya dumating na siya this year when I just turned 51. I’m gonna be turning 52 this coming July,” sabi ni Alice.

“When I was abroad, dahil nga sa lockdown at tsaka ‘yung travel restrictions, hindi ko nakasama ang pamilya ko nung nanganak ang surrogate ko. So, dahil hindi pa sila vaccinated hindi pa sila maka-travel. Paglabas ng baby sa hospital ako na ang lahat.

“Ako ‘yung nag-asikaso ng passport niya, ako ‘yung nag-asikaso ng visa niya, ako ‘yung nag-asikaso ng pagpapakain sa kanya.

“Kumbaga I didn’t have a driver, a maid, a nanny, anything. It was all me for the first and a half so, ang hirap. Hanggang ngayon puyat ako but I’m not complaining. I’m really enjoying every moment,” paliwanag niya.

“Hindi naman ako nag-panic na ako lang mag-asikaso mag-isa ng baby ko. In fact, I embraced ‘yung experience dahil para makilala ko nang mabuti ang aking anak at para magkaroon din kami ng bonding time.

“Pero ninenerbyos ako, dahil nga pandemic, i-travel ang aking anak. So, it was very scary na ilipad siya sa eroplano. It was was scary to go to the city to get her passport, requirements, and all those things,” patuloy pa niyang kuwento.

Ano nga ba ang naramdaman niya nang unang masilayan si Baby Aura, “It was a feeling of halo-halong emotions of being a sigh of relief, nerbyos na am I gonna be a good mom, happiness, merong ding kaunting fears kasi siyempre there’s a lot of negative things going on in the world right now.

“So I guess because I’m a very optimistic. Nalampasan ko ang mga trial na ‘yon because of positive thinking,” aniya pa.

The post Alice ipinakilala na ang baby sa publiko: Babae po ang anak ko, her name is Aura appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments