INAMIN ng TV host-actress na si Toni Gonzaga na talagang nakakaramdam siya noon ng takot kapag napag-uusapan ang salitang “laos.”
Sa pakikipagchikahan ni Toni kay Boy Abunda kamakailan, nabanggit niya ang ilang life lesson na natutunan niya mula noong pasukin niya ang mundo ng showbiz.
Dito inamin ng Kapamilya actress at singer na may mga pagkakataon na nami-miss din niya ang simpleng buhay niya noon kasama ang kapatid na si Alex at ang kanilang mga magulang.
Aniya, ang mga bonding moments nila ng pamilya noong wala pa sila ni Alex sa showbiz ang ilan sa mga tine-treasure talaga niya hanggang ngayon dahil ang sarap-sarap daw balikan sa tuwing nakakaramdam sila ng kanegahan.
“Actually this is a conversation na lagi naming ginagawa ni Alex when we feel pressured, when we feel ungrateful minsan. Lagi naming pag-uusapan ‘yung mga buhay namin noon, the simpler times.
“Yung ang saya na namin kapag summer kasi magrerenta lang kami ng video noon tapos manonood lang kami ng DVD, masaya na kami sa bahay lang kami.
“Simple lang ang buhay so ‘yung kasiyahan mo simple lang. Those were the happiest moments, yung simpler times,” pagbabahagi ni Toni.
Totoo raw pala talaga yung sinasabing, “As you elevate in life, your problems elevate also” and that comes with a lot of pressure and responsibilities in life.
“Tama ‘yung sinabi nila na the more money you have, the more problems that you will have. So minsan mami-miss mo rin ang kasimplehan ng buhay,” aniya pa.
Ngunit aniya, sobrang nagpapasalamat siya sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa kanyang career sa loob ng dalawang dekada na nagbigay sa kanya ng magandang buhay.
Pero kasabay nito, inamin din ni Toni na hanggang ngayon ay inaatake pa rin siya ng kanyang insecurities.
“Laging may question na ganu’n. Am I still good enough to do this? Am I still capable of doing this? Should I still be doing this?” aniya.
Dugtong ng misis ni Direk Paul Soriano, feeling niya okay pa rin na magkaroon ka paminsan-minsan ng takot at insecurity, “Kasi the moment that you feel na you know it all, you have it all, that’s the moment you stop learning.”
At tungkol nga sa kanyang showbiz career, ipinagdiinan ni Toni na hindi na issue sa kanya ngayon ang salitang “laos.”
“When I was younger, (takot ako malaos), oo. Laging ‘yun ang panakot sa ‘yo kapag ayaw mo tumanggap ng trabaho or kapag tatanggi ka sa gig. Laging iyan ang panakot sa ‘yo when you’re younger. As you grow old, you choose the people you will listen to. Pinili ko na. Mapapagod ka, eh.
“’Hay naku malalaos ka.’ Bigla ka na lang magsasalita sa sarili mo, ‘Eh ‘di malalaos talaga.’ Inevitable naman iyan, eh.
“There will be a season where it’s not your season anymore. You have to be comfortable with that. You have to accept that. ‘Yung pagiging laos is a matter of how you look at it,” paliwanag pa ng TV host na vlogger na rin ngayon.
The post Toni hindi na takot malaos; nami-miss ang simpleng buhay noong wala pa sa showbiz appeared first on Bandera.
0 Comments