Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sunshine unti-unti nang gumagaling matapos ang 14-day quarantine: I thank God everyday…

BUMUHOS ang dasal para kay Sunshine Cruz mula sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta matapos mabalitang tinamaan na rin siya ng COVID-19.

Hindi diretsahang binanggit ng aktres na nagpositibo siya sa killer virus ngunit base sa ipinost niyang litrato at mensahe sa Instagram, mukhang unti-unti na siyang nakaka-recover mula sa sakit.

Sa kanyang IG photo, makikita ang ex-wife ni Cesar Montano na nakahiga sa kanyang kama at nilagyan ng caption na, “16/14. Patience is definitely a virtue. It is already a blessing that I am just isolated in the comfort of my home (most are confined in hospitals or Kalinga Centers).”

Dugtong pa niya, “I may not see the kids but hearing and chatting over the phone with them makes me look forward to seeing and hugging these princesses of mine once again.”

“I know I am on my way to recovery. Headache, body pain is now more tolerable, cough is not as worse, my sense of taste and smell have improved. I thank God everyday for I am slowly getting better,” pahayag pa niya.

Nauna nga rito, humiling ng dasal si Sunshine sa kanyang fans and socmed followers sa gitna ng biglang pagdami uli ng mga tinatamaan ng COVID-19. Nag-aalala rin siya para sa health condition ng pamilya at mga kaibigan.

“Day 11/14. So near yet so far. I miss hugging and talking to my three girls. Amidst our struggles especially during this time of pandemic, I can’t thank the Lord enough. My family’s situation is still much better than those that I have been hearing and seeing online.

“It is scary and I always worry for my family, loved ones and friends. But then saan ba ako dadalhin ng pagaalala at sobrang pag-iisip?

“Dasal talaga ang sinasandalan ko, yung suporta at pagbibigay ng lakas ng loob ng mga taong nagmamahal samin ng mga bata. You guys know who you are. Thank you!

“Can I ask that you please include my kids and I sa prayers niyo? Laban lang po tayo,” ang positibong pananaw ni Sunshine na napapanood ngayon sa Kapamilya series na “Bagong Umaga.”

Bukod sa aktres, isa pang kasamahan niya sa serye na si Heaven Peralejo ang nag-positive sa COVID-19 na naka-recover na ngayon.

The post Sunshine unti-unti nang gumagaling matapos ang 14-day quarantine: I thank God everyday… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments