Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kim nagsalita na tungkol sa chikang kasal na sila ni Xian; gusto rin daw maging Koreana

KUNG may isang bagay na pinanghihinayangan ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa buhay yan ay ang hindi pagkakaroon ng college diploma.

Inamin ng dalaga na talagang pangarap niya noon ang makapagtapos ng pag-aaral ngunit bigla ngang dumating ang mga opportunities sa buhay niya nang manalo siya sa “Pinoy Big Brother.”

Sa bagong vlog ni Kim, game na game niyang sinagot ang “most Googled questions” ng kanyang supporters tungkol sa kanyang buhay at career.

Dito pumili ang “It’s Showtime” host ng random questions at sinagot nang bonggang-bongga, tulad na lang ng tanong kung totoo bang pangarap niyang maging Koreana, kung marunong ba siyang mag-drive at kung naka-graduate siya nag-college.

“Yeah, gusto ko talaga maging Korean. Para mapasama ako sa YG Entertainment. Pero masaya na ako kasi kung hindi ako naging Chinese, hindi ako magiging si Kim Chiu. Magiging si Kim Jisoo, Kim Jennie (member ng BLACKPINK), or Kim Chi ako,” nakangiting pahayag ng Kapamilya star.

Tungkol sa pagda-drive, “I can drive. Matic only. No manuals for me. Madalas ako mag-drive before, ‘yung long drive. ‘Yun ‘yung pang-stress relief ko.

“Pero sana walang magtanong ng ‘Can Kim Chiu park the car at the basement?’ Dahil I cannot park the car. Takot akong umatras kaya favorite ko ang mall na may valet, dahil ipa-parking nila ‘yung sasakyan for me,” pag-amin ng girlfriend ni Xian Lim.

Diretso rin niyang nireplayan ang tanong kung saan siya nag-college, “Isa iyan sa mga regrets ko in life, na hindi ako naka-tungtong ng college. But I think everything happens for a reason.

“Dito (showbiz) ako dinala and masaya ako napag-college ko ‘yung tatlo sa mga kapatid ko, and nakapagtapos sila ng pag-aaral. So I think it’s rewarding na for me. I think ito talaga ‘yung tadhana.

“Pero nag-University of the Philippines Open University (UPOU) ako hanggang second year. Kinuha (kong course), business management. But hindi ako nagtagal kasi hindi ko kinaya.

“Ang daming assignments, ang daming projects, tapos nagte-teleserye pa ako, nag-a-ASAP. Though hindi ko naman sinisisi ‘yung mga projects na ‘yun because those are opportunities na hindi natin pwedeng palampasin.

“Pero ang pag-aaral I’m sure naman nandiyan lang ‘yan, and there’s always a way and time na makabalik tayo ng pag-aaral ang makakuha tayo ng college degree. Soon!” pahayag pa ni Kim.

May matapang namang nagtanong kung magdyowa pa rin sila ni Xian at kung totoo bang nagpakasal na sila nang palihim.

“Yes, we are still together and very much happy. But we are not yet married. We are in a relationship. Wala pa naman kami doon. So, let’s see!” game pang tugon ng dalaga.

The post Kim nagsalita na tungkol sa chikang kasal na sila ni Xian; gusto rin daw maging Koreana appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments