Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sharon game na game gumanap bilang legal wife sa Pinoy version ng ‘Doctor Foster’

 

GAME na game ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta na gumanap na legal wife sa Pinoy version ng hit BBC Studios TV series na “Doctor Foster.”

Isa sa naging top trending topic sa Twitter kahapon at mainit pa ring pinag-uusapan sa social media hanggang ngayon ay ang pagpu-push kay Mega para bumida sa nasabing serye.

Trending ang “Sharon Cuneta Dr. FosterPh” sa Twitter na ikinakilig at ikinatuwa ng mga loyal Sharonians. Nagpasalamat naman ang OPM at movie icon sa lahat ng nagsasabing bagay siya sa nasabing role.

Ni-repost pa ni Mega ang nasabing tweet mula sa kanyang fans at nilagyan ng caption na, “OMG! Thank you so much! Would absolutely love to play her!!!”

Tinag pa ng TV host-actress sa kanyang post ang ABS-CBN Head of Entertainment na si Lauren Dyogi, ang management team niya na kasama sina Nancy at Angel Yang.

In fairness, marami ang sumang-ayon na perfect daw kay Sharon ang role ng legal wife sa “Doctor Foster” na ginawan na rin ng Korean version, ang “World Of The Married”.

Ipinalabas na rin sa ABS-CBN ang Tagalized version nito at very soon nga ay mapapanood na rin ang Philippine adaptation ng “Doctor Foster” matapos makipagkasundo ang ABS-CBN Entertainment sa BBC Studios.

Una nang ipinalabas ng ABS-CBN ang South Korean adaptation nitong  “The World of the Married” sa Kapamilya Channel noong Hunyo, 2020 kasunod ng pagkilalang nakuha nito bilang highest-rating South Korean cable TV drama sa kasaysayan.

Ang Pinoy remake ng “Doctor Foster” ang una para sa isang scripted British series pagkatapos pumatok sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kakaibang kwento nito ng pagtataksil at paghihiganti.

Tampok sa serye ang kuwento ng isang babaeng biniyayaan ng isang masaya at kumpletong pamilya, na dahan-dahang mawawasak sa oras na makutuban niyang nanloloko ang kanyang asawa hanggang sa makumpirma niya ito.

Ang Pilipinas ang ikaanim na bansang gagawa ng sarili nitong bersyon pagkatapos ng South Korea, India (Out of Love), Russia Tell Me the Truth, Turkey (Sadakatsiz), at France (Infidéle). Ang original British series naman ay isinulat ni Mike Bartlett para sa BBC One sa produksyon ng Drama Republic.

Very soon ay ibabandera na ng ABS-CBN kung sinu-sino ang masuwerteng mapipili para bumida sa serye. Ilan sa mga pangalang nababanggit na posibleng gumanap na legal wife ay sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Lovi Poe at Jodi Sta. Maria.

Ang hula naman ng ilang netizens na maaaring gumanap na mistress ay sina Julia Barretto, Charlie Dizon at Janine Gutierrez.

The post Sharon game na game gumanap bilang legal wife sa Pinoy version ng ‘Doctor Foster’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments