AGREE ba o kontra si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagtatayo ng mga community pantry sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic?
Natanong ito sa TV host-actress ng isang netizen ilang araw matapos ang nangyari sa kontrobersyal na birthday pantry na itinayo ni Angel Locsin sa Quezon City kung saan isang senior citizen nga ang nasawi.
Kahit walang kasalanan ay inako pa rin ng Kapamilya actress ang responsibilidad sa malungkot na insidente at nangakong tutulungan ang pamilya ng naulila sa abot ng kanyang makakaya.
May mga nagsasabi rin na sa halip na papuntahin pa ang mga residente sa mga community pantry ay ihatid na lamang ito sa mga bahay para hindi na kailangang lumabas pa na maaaring maging sanhi pa ng paglobo muli ng COVID cases.
Para naman kay Pia, muling pinatunayan ng mga Filipino na buhay na buhay pa rin talaga ang Bayanihan spirit sa bansa sa kabila ng sunud-sunod na pagsubok na kinakaharap ng bayan.
“Thanks for asking me this! I took some time to really think about it and really understand better what we are faced with as a nation,” bahagi ng sagot ng beauty queen sa isa niyang Twitter follower.
“For me, the community pantry is a really good initiative. Yet again, it is proof of the undying spirit of Bayanihan,” aniya.
Ngunit naiintindihan din niya ang pangamba at takot ng ilan nating mga kababayan na baka ito pa ang maging mitsa ng muling pagdami ng COVID patients sa bansa.
Kaya aniya, sa lahat ng lalabas at kukuha ng food supply sa mga itinayong community pantry, mag-ingat at sundin pa rin ang lahat ng safety protocols para mapanatili ang kaligtasan ng lahat.
“However, I also understand all the hesitations and concerns esp. with health protocols.
“It’s been a year since the pandemic hit and everyone is just trying their best to survive.
“I think it’s a call for us to help in any and every way that we can. Share what we can, stay home if we can,” paliwanag pa ni Pia.
Muli, nanawagan ang dalaga na magpabakuna na hangga’t may pagkakataon, “Get vaccinated soon as we get the opportunity. It’s a great reminder of what we can achieve together.”
“We can and we should demand a better system,” pahabol pa niyang pahayag na tumutukoy sa ipinatutupad na sistema ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
The post Pia Wurtzbach kontra ba o pabor sa pagtatayo ng community pantry? appeared first on Bandera.
0 Comments