Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Richard Yap isa sa mga unang celeb na nagka-COVID: Sobrang hirap, there’s nothing I could do but pray…

NGAYON lang ibinahagi ng bagong Kapuso leading man na si Richard Yap ang tungkol sa pakikipaglaban niya sa COVID-19 last year.

Isa si Richard sa mga unang celebrities na tinamaan ng killer virus noong nakaraang taon at talagang hindi raw biro ang pinagdaanan niya bilang COVID-19 patient lalo pa’t nagsisimula pa lang kumalat ang nakamamatay na sakit sa bansa.

“At the time, there was still no treatment for it. Also there’s no one who can help you, you have to be all by yourself so psychologically, it was really very hard. There was nothing I could do but pray,” pahayag ng actor-businessman sa panayam ng GMA 7.

Sobrang affected din daw siya nang mabalitaang tinamaan na rin ng COVID ang ilan sa malalapit niyang kaibigan.

Aniya, talagang nakaaalarma na ang patuloy na pagdami ng nahahawa at namamatay nang dahil sa virus sa kabila ng pagdating ng bakuna sa bansa.

“It’s really very bothering and sad because they’re still young and they have their whole lives ahead of them but they’ve been taken away by this pandemic,” aniya pa.

Kaya naman ang paalala niya sa lahat, mas maging maingat pa sa pag-aalaga sa kalusugan. For his part, patuloy ang kanyang pagwo-workout at pagkain ng tama sa tulong na rin ng kanyang personal trainer.

Dagdag pa ni Richard, bukod dito, talagang nagpakundisyon din siya ng katawan para sa bago niyang teleserye sa GMA na “I Left My Heart in Sorsogon” with Heart Evangelista.

Isa si Richard Yap sa magiging leading man ni Heart sa nasabing travel-fashion at romcom serye. Sabi ng aktor, super na-excite talaga siya nang malamang ang Kapuso star ang makalatatambal niya sa first series niya sa GMA.

“Of course, I was really very surprised that they offered to pair me with Heart because that was one of my wishes, one of the things on my wishlist, working with Heart. Noong sinabi sa akin, I was very happy to know about it and this is something that I really look forward to,” pahayag ni Richard.

The post Richard Yap isa sa mga unang celeb na nagka-COVID: Sobrang hirap, there’s nothing I could do but pray… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments