FINALLY, negatibo na sa COVID-19 ang ating 1st Runner-Up Miss Eco International 2020 na si Kelley Day base sa ipinost ng MEI organization sa social media.
Naging kontrobersyal si Kelley dahil namumukod tanging siya lang ang pinangalanang positibo sa COVID-19 exit swab test ng National Director ng Miss Peru na si Jessica Newton nang i-post nito ang resulta ng dalaga.
Reklamo ni Jessica na kahit alam ng Miss Eco International organization na positibo sa virus ang ilang kandidata ay itinuloy pa rin ang pageant.
Ang daming nagalit na supporters ni Kelley sa ginawa ni Miss Newton dahil alam naman daw nitong confidential ang mga ganu’ng detalye.
Base naman sa kampo ng Miss Eco International ay maayos naman ang kalagayan ng mga kandidatang nagpositibo na naiwan sa hotel at walang dapat ipag-alala.
Anyway, sinilip namin ang Instagram account ni Kelley kung may update na siya pero wala pa rin dahil ang huling post niya ay noon pang Abril 5 noong nanalo siya bilang 1st Runner-Up sa nasabing beauty contest.
* * *
Muling haharap sa panganib ang dating U.S. Secret Agent na si Alex Walker sa pagdating ni El Diablo at ng isang matinding bagyo ngayong Linggo (Abril 18) sa “Almost Paradise” sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.
Agad masisira ang magandang araw ni Alex (Christian Kane), na naisasaayos na ang buhay sa isla, nang malamang ipinababalik sa Amerika ang kriminal na si El Diablo, na kanilang nahuli dahil sa iligal na pagbebenta ng mga armas.
Ipipilit niyang paharapin sa hustisya si El Diablo dito sa Pilipinas, pero papabor sa kriminal ang masamang panahon. Habang matindi ang ulan sa labas, gulo ang hatid ni El Diablo at ng mga sangganong lasing sa presinto at malalagay sa pahamak maging ang mga detective na sina Kai (Sam Richelle) at Ernesto (Art Acuña).
Paano kaya masasalba ni Alex ang mga kaibigan at ibang pang inosente sa gitna ng paghagupit ng bagyo? Tampok ang galing ng Pilipino sa likod at harap ng kamera sa pang-Hollywood na produksyong ito mula sa ABS-CBN at Electric Entertainment.
Bukod kina Sam, Art, Nonie Buencamino, at Ces Quesada, mapapanood rin sina Ryan Eigenmann, Patrick Sugui, Beverly Salviejo, Chanel Latorre, Yan Yuzon, Manu Respall, Harold Baldonado, at Bong Cabrera sa episode na ito ng “Almost Paradise,” ang kauna-unahang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas.
Huwag palampasin ang mas tumitindi pang aksyon sa “Almost Paradise” tuwing Linggo, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube. Mapapanood rin ng paulit-ulit ang pinakabagong episode ng libre sa loob ng pitong araw sa KOL sa YouTube.
The post Miss Eco 2020 1st-Runner Up Kelley Day nega na sa COVID-19 appeared first on Bandera.
0 Comments