NGAYON ang huling araw na makakasama ni Gigo de Guzman ang labi ng kanyang namayapang ina – ang OPM legend na si Claire dela Fuente.
Kagabi, April 3, nagbahagi muli ng saloobin sa publiko ang anak ng veteran singer na pumanaw noong March 30 dahil sa cardiac arrest. Nagpositibo rin siya sa COVID-19.
Ayon kay Gigo, na-cremate last March 31 ang labi ng ina at ang urn nito ay inilagay niya sa kanyang kwarto kagabi para sa huling pagkakataon ay makasama niya ang ina.
Nag-post si Gigo sa Instagram Stories para magbigay ng update sa wake ng kanyang nanay, “Tonight is the last night I get to spend with my mom here in my room… Her urn sits on my bedside table.
“I feel comfort having her beside me. At the same time, I don’t want her to be alone in our living room.
“She never liked sleeping alone. But on Monday, she’ll finally get to rest beside my dad.
“Til then, I want to keep her company. (heart emoji),” mensahe ni Gigo.
Samantala, kaninang umaga naman ginanap ang online memorial service para sa veteran singer, base na rin sa kanyang IG post.
Kasunod nito, nanawagan din si Gigo sa mga tagasuporta ng kanyang nanay na mag-share ng kanilang mga “memorable encounter” kay Claire para maibahagi niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng Facebook.
Dito, nagbahagi rin si Gigo ng isang kuwento tungkol sa wish noon ni Claire na magkaroon ng baby girl pero siya raw ang ibinigay ng Diyos sa kanyang pinakamamahal na ina na isang proud LGBTQ member.
Post ni Gigo sa Instagram Stories, “2018, our cousin @beaabelardo’s debut. You always wanted a daughter ‘(Pero sabi ni Lord, ‘Surprise’ at binigay niya ako)’.
“You always wanted someone from our clan to have a debut, for us to throw a big party and be all dressed up, and we finally did.
“I was hoping you would see Rhianna’s 18th, but at least we had this night.
“I hosted (and styled) and you sang. This will always be great memory for me,” pahayag pa ni Gigo.
The post Gigo kay Claire: She never liked sleeping alone, but on Monday, she’ll finally get to rest beside my dad… appeared first on Bandera.
0 Comments